Coco may mga bagong kalaban; handa nang makipagbakbakan sa taong-ibon | Bandera

Coco may mga bagong kalaban; handa nang makipagbakbakan sa taong-ibon

Reggee Bonoan |May 23,2017
facebook
share this

Coco may mga bagong kalaban; handa nang makipagbakbakan sa taong-ibon

Reggee Bonoan - May 23, 2017 - 12:05 AM

coco martin

“GRABE! Ang tagal pa ng Probinsyano, 2018 pa!” Ito ang bungad sa amin ng isang TV executive nang makasalubong namin sa isang mall. Kami ang unang bumati sa kanya bilang respeto na rin.

Sinagot namin ang bossing ng GMA ng, “Oo nga, mahaba pa ang lalakbayin ni Cardo Dalisay (Coco Martin). May pangtapat naman kayo, di ba? Yung Mulawin vs Ravena?”

Ang sagot niya agad sa amin, “Oo nga. Sana nga mag-rate. Maganda naman ang pagkagawa tsaka pambata siya talaga.”

Dito na nagtapos ang sandaling tsikahan namin ng bossing ng Kapuso network. Isang oras ang nakalipas nang tanungin kami ng isa pang taga-Siyete, “‘Yung kasal ba nina Cardo at Alyanna (Yassi Pressman), talagang nasa plano o biglaan lang para may ipangtapat sa ending ng Encantadia?”
Diretsong sabi namin, “Alam ko nakaplano talaga ‘yun dahil matagal naman ng gustong magpakasal nina Cardo at Alyanna, hindi lang natutuloy dahil sa trabaho.

“Kaya nga umalis na sa pagkapulis si Cardo dahil gusto na niyang maging ordinaryong mamamayan at magbagong-buhay na,” dagdag namin.

“Ganu’n? Ang tindi, ang bilis ng pacing, parang hinabol talaga!” pahayag ng aming kausap.

Anyway, naka-chat din namin ang isa naming pinsan na taga-Chicago, “Alam mo ‘cuz, pinapanood talaga namin ang Probinsyano, mamamatay na ba talaga si Joaquin (Arjo Atayde)? Saka after ng wedding, sinong mamamatay?”

Base sa umereng episode ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Biyernes ay nag-disguise si Joaquin na balbas-sarado kaya hindi siya namukhaan ng mga bisita nina Cardo at Alyanna hanggang sa biglang may sumabog kaya nagulat ang bagong kasal.

Sino nga ba ang mamamatay? Imposibleng si Alyanna, di ba bossing Ervin? Kung hindi kami nagkakamali, ngayong gabi na mamamaalam ang karakter ni Joaquin. Ang balita namin mapapatay na siya sa wakas ni Cardo Dalisay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending