Kathryn: Napakaswerte ng mapipiling bagong Darna! | Bandera

Kathryn: Napakaswerte ng mapipiling bagong Darna!

Ambet Nabus |May 21,2017
facebook
share this

Kathryn: Napakaswerte ng mapipiling bagong Darna!

Ambet Nabus - May 21, 2017 - 12:05 AM

kathryn bernardo

BILANG bahagi raw ng pagkakaroon ng movie project ni Richard Gutierrez sa Star Cinema, kailangang lumabas din ang aktor sa fantasy series ng ABS-CBN na La Luna Sangre starring Kathryn Bernardo and Daniel Padilla fo a very special role.

At dahil ito ang magiging kauna-unahang serye ng dating Primetime King ng GMA 7 sa bakuran ng Kapamilya Network, sisiguruhin daw ng mga taong nasa likod ng proyekto na magiging extra special ito.

“Siyempre dati siyang hari sa kabila, noh! Hindi naman siguro papayag iyan na pocho-pocho lang ang exposure niya sa serye ng KathNiel,” sey ng isang kausap namin.

Segue ng isa pa, “Nakakaintriga lang na baka gawin lang siyang support dahil sina Kathryn at Daniel naman talaga ang bida du’n. Pero okay na rin dahil special role rin naman ang ibinigay kina Angel Locsin at John Lloyd Cruz sa La Luna.”

Pero ayon naman sa isa pa naming source, magsisimula lang sa isang cameo appearance ang importanteng role ni Richard pero kapag nag-swak sa plot at naging maganda ang pagtanggapn ng viewers, baka raw gawin na siyang regular. Samantala, sa isang interview, tinanong naman si Kathryn kung game ba siyang mag-Darna sakaling siya nga ang mapili para pumalit kay Angel, this was her reply, “Sa ngayon sabi pa naman sa akin La Luna. Nagte-training kami for the soap. Siguro dream ko na maging (Darna), lahat yata gustong maging superhero, and feeling ko marami kasing iko-consider, depende pa rin sa kanila.”

Dugtong pa ng dalaga, “Hindi ko rin kasi alam kung ready ako e, ang dami pang pwedeng mangyari basta kung sino man ang m

agiging next, sobrang magiging maswerte siya and dapat pangalagaan niya.”
q q q

At dahil magsisimula na rin ang Mulawin vs Ravena ng GMA 7 na balitang siyang makakatapat ng Ang Probinsyano ni Coco

Martin na tatagal pa hanggang January, 2018, hindi nga ito ang itatapat sa La Luna Sangre na isa ring fantaserye.

Ipinakilala na nga ang mga bagong cast members ng Ang Probinsyano at nakakatuwang malaman na ang isa sa mga nagmarkang kontrabida sa Encantadia na si John Arcilla ay papasok na sa action series ni Coco. For sure, isang mapanghamong papel din ang ibibigay sa kanya bilang makakalaban ni Cardo (Coco).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nandiyan din ang anak-anakan naming Sid Lucero na sa GMA din huling nagkaroon ng project at si Mitch Valdez na first time palang magkakaroon ng teleserye. Nandiyan din sina Pokwang, Jhong Hilario, EJ Falcon at ang award-winning actress na si Angel Aquino.

Well, para sa amin ay napakagandang development ito para sa mga televiewers na mag-eenjoy tiyak sa laki ng mga artistang kasali sa magkalabang shows.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending