Lito Lapid, Pokwang, Angel Aquino pasok sa ‘Ang Probinsyano’ ni Coco | Bandera

Lito Lapid, Pokwang, Angel Aquino pasok sa ‘Ang Probinsyano’ ni Coco

Reggee Bonoan - May 20, 2017 - 01:10 AM

LITO LAPID COCO MARTIN AT MARK LAPID

LITO LAPID COCO MARTIN AT MARK LAPID

NAG-POST na ang business unit head ng Dreamscape Entertainment na si Mr. Deo Endrinal ng mga bagong karakter na ipapasok sa FPJ’s Ang Probinsyano sa kanyang Instagram  account noong Huwebes ng gabi.

Ilan sa mga ito ay sina dating Sen. Lito Lapid, Mark Lapid, Jhong Hilario, Ejay Falcon, John Arcilla, Maya Valdez, Sid Lucero, Angel Aquino at Pokwang. Ang ilan sa mga litratong nakita namin ay may captions na: “Another chapter soon #FPJAP.”

Curious kami at ang ilang netizens kung ano ang magiging papel ng mga nabanggit na artista at kung tuloy pa ba ang guesting nina Robin Padilla at Judy Ann Santos sa action serye ni Coco.

Sabagay, nagsabi naman si Juday na ayaw muna niyang magteleserye ngayon dahil mahabang oras ang kailangang igugol dito at hindi pa siya puwedeng tumanggap ng ngaragang proyekto dahil tatlo na ang anak nila ni Ryan Agoncillo na kailangan nilang bantayan at gabayan.

Bukod dito ay may weekly show pa siyang Bet On Your Baby.

Samantalang si Robin naman ay kasama sa balik-tambalang teleserye nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria. At tama ba ang dinig namin, hindi feel ni Binoe na maging kontrabida kaya mas pinili niya ang maging ka-love triangle nina Ser Chief at Jodi.

Going back to FPJ’s Ang Probinsyano, palaisipan pa rin sa amin kung malapit nang mamaalam si Joaquin Tuazon (Arjo Atayde) dahil base sa kuwentong napapanood ngayon ay malapit na siyang masukol nina Cardo Dalisay.

Hindi kaya may kakambal din pala si Joaquin na babalik sa tamang panahon?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending