OFW patay matapos mahulog habang naglilinis ng bintana sa Hong Kong | Bandera

OFW patay matapos mahulog habang naglilinis ng bintana sa Hong Kong

|May 19,2017
facebook
share this

OFW patay matapos mahulog habang naglilinis ng bintana sa Hong Kong

- May 19, 2017 - 03:43 PM

hongkong-map

PATAY ang isang 30-anyos na Overseas Filipino worker (OFW) matapos mahulog habang naglilinis ng bintana sa isang apartment sa Hong Kong noong Miyekules ng gabi.

Ayon sa lokal na news site na Oriental Daily, sinabi nito na bumagsak ang Pinay sa canopy sa ikalawang palapag ng gusali sa  Mong Kok area.

Nakatira ang Pinay sa ikapitong palapag ng gusali.

Isinugod ang biktima sa Kwong Wah Hospital, bagamat hindi na umabot ng buhay.

Isang Palestinian ang mister ng biktima.

Isinantabi na ng pulis ang foul play sa nangyaring aksidente.

Matatandaang isang 35-anyos na Pinay ang namatay matapos mahulog sa ika-45 palapag ng isang gusali sa naturang lungsod din.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending