Regine apektado pa rin sa bashers: Lalo na pag dinamay na pamilya ko!

By Ervin Santiago May 19,2017
share this

Regine apektado pa rin sa bashers: Lalo na pag dinamay na pamilya ko!

By Ervin Santiago May 19,2017
share this
REGINE VELASQUEZ

REGINE VELASQUEZ

OKAY lang kay Asia’s Songbird Regine Velasquez kung inookray at nilalait siya ng bashers sa social media. Pero tao lang daw siya na nasasaktan lalo na kapag below the belt na ang mga tira sa kanya.

At mas lalo raw siyang apektado kapag dinadamay na pati ang pamilya niya.

Sa nakaraang presscon ng bagong fantaserye ng GMA na Mulawin vs Ravena kung saan may malaking role ang misis ni Ogie Alcasid, nasasaktan siya kapag ang tinitira na ng mga netizen ay ang kanyang asawa at anak.

“Yes, nahe-hurt pa rin ako. I’ve been here like hundred years, pero I still get affected, tao lang din naman tayo. Sometimes kasi, people think na we’re so sanay na sanay, na kahit anong ibato mo, immune na. It’s not true.

“Especially with social media, kasi they’re ordinary people trying to somehow criticize you and judge you. Walang basis. Ang basis lang nila, picture. Tapos sobrang personal na ang banat nila. At ang problema pa, they’re nameless, they’re faceless,” chika pa ni Regine.

Paminsan-minsan ay sinasagot din nin Regine ang mga bashers, lalo na kapag ang binabanatan na ng mga ito ay ang anak na si Nate at ang anak ni Ogie kay Michelle Van Eimeren na si Leila na kasalukuyang nasa bansa ngayon at naninirahan sa kanila, “Naaapektuhan ako ako kapag pamilya ko na, when it’s my children, when it’s my husband.”

Natatawa na nga lang daw siya kapag tinatawag siyang matanda at laos ng mga bashers. Aniya, “E, totoo namang matanda na ang lola n’yo. Yung iba sabi laos na raw, pero ang mahalaga kasi, nandito pa rin tayo, nag-eenjoy pa rin ako sa ginagawa ko.”

Kasama si Regine sa Mulawin vs Ravena, gagampanan niya ang karakter ni Sandawa, the goddess of nature na siyang magiging ina ng apat na tagapangalaga ng kalikasan. Bukod pa riyan, hataw pa rin sa rating ang dalawa niyang show sa GMA, ang Full House Tonight at Sarap Diva. Kaya baliw lang ang nagsasabi na laos na ang Songbird.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending