Madlang pipol botong-boto sa relasyong Bela-Zanjoe

By Reggee Bonoan May 08,2017
share this

Madlang pipol botong-boto sa relasyong Bela-Zanjoe

By Reggee Bonoan May 08,2017
share this

 

ZANJOE MARUDO AT BELA PADILLA

ZANJOE MARUDO AT BELA PADILLA

SA pagpapatuloy ng kuwento ng My Dear Heart ay ang pagkakaisa at katatagan ng pamilya nina Jude (Zanjoe Marudo) at Clara (Bela Padilla) ang masusubukan ngayong muling nasa peligro ang buhay ni Heart (Heart Ramos) dahil sa mga Camilus.

Nabawi na ni Francis (Eric Quizon) si Heart at ang tiwala ng pamilya De Jesus, at gagamitin niya ang pagkakataong ito upang pabagsakin at siraan si Dra. Margaret (Coney Reyes) na patuloy na lumubha ang sakit ng bata.

Sa kabila nito, hindi mawawalan ng pag-asa sina Jude at Clara na gagaling mula sa karamdaman ang kanilang anak at sama-samang ipadarama ang kanilang pagmamahal upang mapabuti ang kalagayan ni Heart.

Magtagumpay kaya ang mga Camilus sa kanilang mga plano? Huwag palampasin ang teleseryeng magpapaalala sa pusong magmahal, ang My Dear Heart, gabi-gabi pagka-tapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Tungkol naman sa relasyon nina Bela at Zanjoe, hintayin na lang natin kung kailan made-develop ang feelings nila sa isa’t isa. Hindi naman imposible na magkatuluyan sila dahil pareho naman silang single at maraming supporters nila ang umaasang magkaka-tuluyan sila in real life.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending