Tambalang Bela-Jericho maswerte sa pelikulang ‘Luck At First Sight’ | Bandera

Tambalang Bela-Jericho maswerte sa pelikulang ‘Luck At First Sight’

Reggee Bonoan |May 03,2017
facebook
share this

Tambalang Bela-Jericho maswerte sa pelikulang ‘Luck At First Sight’

Reggee Bonoan - May 03, 2017 - 12:01 AM

JERICHO ROSALES AT BELA PADILLA

JERICHO ROSALES AT BELA PADILLA

MAY aral na mapupulot sa pelikulang “Luck At First Sight” nina Jericho Rosales at Bela Padilla, lalo na sa mga mahihilig magsugal.

Maraming naniniwala na kapag nanalo sa sugal, suwerte o sinusuwerte lang, pero kapag laging talo, malas o minamalas. May mga naniniwala rin sa tinatawag na “beginner’s luck.”

Hindi nalalayo ang kuwento ng “Luck At First Sight” sa araw-araw na nangyayari sa buhay ng tao na ginagawa ng hanapbuhay ang sugal, ‘yung iba nga ay halos sa casino na tumira.

Sa kuwento ng pelikula ay naniniwala si Jericho na ang suwerte niya ay si Bela. Aksidente lang silang nagkakilala pero sa unang pagkikita pa lang nila ay na-feel na ni Echo ang “magic” nila ni Bela.

Nakipagkasundo ang dalaga kay Echo para sa tatay niyang may sakit (Dennis Padilla) habang gusto namang tubusin ni Jericho ang bahay nilang nakasangla.

Sa unang taya nila habang magka-holding hands ay nanalo agad sila sa isang sugalan kaya naging sunud-sunod na ang pagpunta nila sa maliit na casino. Pati sabong, perya at karera ng kabayo ay pinasok din nila at lagi rin silang nananalo.

Pero ayon sa manghuhulang nakausap ni Echo bawal silang ma-in love sa isa’t isa dahil mawawala ang bisa ng suwerte na nangyari nga, hindi kasi nila napigilan ni Bela ang mahalin ang isa’t isa, kaya ang ending, ang malaking naipon nilang kinita ay naubos din sa sugal.

Dito na magsisimula ang conflict ng pelikula. Kaya hindi na namin ikukuwento kung ano ang mangyayari pagkatapos mawala ang bisa ng kanilang swerte. Ano ang pipiliin nila sa huli – ang swerte o ang pag-ibig?

Cute ang loveteam nina Echo at Bela, ang lakas ng dating nila sa big screen. Gustung-gusto namin ang palitan nila ng mga dialogue na natural na natural lang.

Ang dating magkarelasyong sina Bela at Neil Arce (producer din ng pelikula) ang may ideya ng kuwento kasama na ang mga lugar na pinagsyutingan nila.

Marami sana kaming gustong itanong kay Neil pagkatapos ng special screening ng “Luck At First Sight” sa Gateway Platinum Cinema pero tumakas ang binata at sa emergency exit pa dumaan.

Ayaw siguro talaga niyang matanong tungkol sa relasyon nila ni Angel Locsin. Gusto rin sana naming itanong kung bakit binigyan niya ng surprise birthday salubong ang aktres noong nakaraang kaarawan nito.

Kaloka itong si Neil, parang palos, pero pasasaan ba’t mahuhuli rin kita. He-hehehe!

Anyway, patok bilang mga sidekick ng mga bida sina Kim Molina at Cholo Barretto. Bentang-benta ang mga punchlines nila sa mga manonood kaya siguradong magkakaroon pa ng follow-up ang kanilang “tambalan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Okay ang pelikulang idinirek ni Dan Villegas mula sa Joyce Bernal Productions, Viva Films at N2 Productions na mapapanood na ngayong araw, Mayo 3.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending