Kung may Superman sa Hollywood... tayo naman po ay may Panday! – Coco | Bandera

Kung may Superman sa Hollywood… tayo naman po ay may Panday! – Coco

Reggee Bonoan |April 28,2017
facebook
share this

Kung may Superman sa Hollywood… tayo naman po ay may Panday! – Coco

Reggee Bonoan - April 28, 2017 - 12:55 AM

CARLO CAPARAS AT COCO MARTIN

CARLO CAPARAS AT COCO MARTIN

NGAYON pa lang ay excited na ang mga fans ni Coco Martin para sa gagawing remake ng “Panday” na balak isali sa darating na 2017 MMFF. Bukod sa pagganap sa iconic character na unang ginampanan ni Da King Fernando Poe, Jr., si Coco rin ang magdidirek nito.

Ibinigay na ni direk Carlo J. Caparas, ang creator ng “Panday”, ang kanyang blessing sa Teleserye King para buhayin ang nasabing karakter na hanggang ngayon ay sikat na sikat pa rin sa mga Pinoy.

Kung matatandaan, sinabi ni Coco sa isang panayam na matagal na niyang pangarap na maging “Panday”, “Isa po iyon sa mga dream roles ng mga artista. Para sa akin, kapag sinabi mong Panday, iyon ang tatak ng superhero ng Pilipino. Kung mayroon po silang Superman, tayo po ay may Panday.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending