Horoscope, April 26, 2017 | Bandera

Horoscope, April 26, 2017

Madam Sophia |April 26,2017
facebook
share this

Horoscope, April 26, 2017

Madam Sophia - April 26, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Wag makinig sa mungkahi ng iba. Sa sariling diskarte ay mas kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, isang Virgo ang may lihim na pagnanasa– sunggaban agad upang ikaw ay lumigaya. Mapalad ang 5, 8, 26, 35, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Tetra-Om.” Green at beige ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Hindi mauubos ang salapi, matuto kang mamigay! Regaluhan ng bagong unit ng cell phone ang kasuyo. Habang namimigay, tuloy ang pasok ng mas marami pang pera. Ang iyong Tarot card: The Magician. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Aum-Raga-Om-Kastha-Om.” Red at gray ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa panahon ng tag-araw dagdag na pahinga at inom ng maraming tubig ang kailangan upang wag ma-heat stroke. Sa pag-ibig, kapag hindi ka muling nagpa-sexy baka maghanap ng iba ang kasuyo. Ang iyong Tarot card: The High Priest. Mapalad ang 3, 6, 14, 31,33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yantra-Om-Dosha-Om.” Maroon at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Yakapin nang mahigpit ang kasuyo at mga mahal sa buhay, ito ang huling araw upang ipadama ang iyong pag-ibig. Sa pinansyal, sikaping kumita ng mas malaking halaga at piliting yumaman. Ang iyong Tarot card: The Lovers. Mapalad ang 7, 18, 26, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Blue at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sa pag-ibig, bagong karelasyon na isang Scorpio ang dapat. Sa pinansyal, bagong negosyong may kaugnayan sa lamang-tubig ang magbibigay ng malaking pag-unlad. Ang iyong Tarot card: The Chariot. Mapalad ang 4, 18, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Kung marunong kang magpatawad, mas maraming biyaya ang darating. Sa pag-ibig, isang nilalang na nakakulay-dilaw ang may lihim sa iyong pagtingin. Kung siya ay isang Aries, compatible kayo. Ang iyong Tarot card: Fortitude. Mapalad ang 9, 18, 24, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Bukod sa orange buenas ang yellow.
Virgo – (August 23 – September 22) — Panahon na upang maging materyoso. Sa ganyang paraan lamang uunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, hindi dapat kontrahin ang suwestiyon ng minamahal. Ang iyong Tarot card: The Hermit. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor-Om.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Baguhin ang maling sistema. Sa pagbabago, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, bagong romansa ang kailangan. Ang iyong Tarot card: Justice. Mapalad ang 3, 18, 22, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om.” Pink at gold ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Panahon na upang dagdagan pa ang pagsisipag upang umasenso. Sa pag-ibig, tuloy ang pakikipagrelasyon sa isang Taurus. Ang iyong Tarot card: The Moon. Mapalad ang 9, 18, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ang elementong init ang nagbibigay ng magandang kapalaran. Sa pag-ibig, kapag muling nag-init ang pagmamahalan ang maghahatid ng dagdag na suwerte at kaligayahan. Ang iyong Tarot card: Temprence. Mapalad ang 3, 9, 23, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Beige at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sopresa ang magaganap! Kung kailan walang-wala biglang darating ang malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, mag-ingat dahil may babala ng kalungkutan. Ang iyong Tarot card: The Fool. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahigawa mong mantra: “Om-Agiel-Om-Ophiel.” Red at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pinansyal, tuloy ang pag-angat ng kita, ngunit nakakataka kung bakit hindi ka lubusang masaya. Sa pag-ibig, wag maghanap ng perpektong relasyon, wala rito sa lupa ng ganoon. Ang iyong Tarot card: The Star. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Aksyon ang dapat upang umunlad at mgkaroon ng maraming pera. Sa pag-ibig, sipagan pa ang pakikipagniig sa kasuyong nanlalamig. Ang iyong Tarot card: The Sun. Mapalad 3, 9, 18, 27, 42 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Migeta-Dosha-Om.” Red at violet ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending