Quantcast

Bakit walang artista?

By

ILIGTAS ang iyong pamilya, ang iyong kaluluwa, ang iyong kamag-anak, kaibigan, sa masamang lahing ito. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Gawa 2:36-41; Slm 33:4-5, 18-19, 20, 22; Jn 20:11-18) sa Oktaba sa Pasko ng Muling Pagkabuhay.

O mas pinili natin ang takot at ang pananahimik na lamang sa halip na..? Ang Pagninilay sa naunang Oktaba sa Ebanghelyo (Gawa 2:14, 22-33; Slm 16:1-2a, 5, 7-8, 9-10, 11; Mt 28:8-15).

Hindi totoong ayaw na ng taumbayan ang pamamaraan ni Digong kontra droga. Hindi taumbayan ang mapagpanggap at bayarang survey. Ang totoo, lumala ang droga kay Benigno Simeon Aquino 3. Ang totoo, nais ng taumbayan, tulad ng simbahang Katolika, na drug-free ang bansa, bagaman ito’y panaginip lamang.

Ang Pinas ay kabilang sa $100-billion illegal drug trade sa buong mundo at ang China ang pinakamalaking ibinagsak sa droga rito na pinagkakitaan naman ng mga pulis at opisyal ni Aquino. Ang mga birador na isip-Trillanes ay sinusubukan lang kung kaya nilang yugyugin si Digong sa bagong estilo.

May punto ang puna na bakit mga nakatsinelas lang ang napapatay. Dahil hindi nga itinumba ang sikat na artista na supplier ng shabu at Ecstacy. Kilala siya sa showbiz at mas lalong kilala siya ng PNP. Anyari? Anpera?

Ang mga residente ng Malaria, Bankers, Tala, Camarin, Deparo, Bagumbong at Bagong Silang sa North Caloocan ay hindi nagrereklamo sa mga tulak at adik na napapatay. Ang tawag nila rito ay bawas-problema, linis-basura. Isang tamad na pamilya lang ang nagsabi sa TV news na binaril ang kanilang kuya nang walang laban. Ang kuya ang bumubuhay sa mga tamad na ito sa pamamagitan ng pagtutulak.

“Nawa’y siya na ang huling pinatay sa amin,” anang ina. “Kung siya na ang sakripisyo ay huwag nang idamay ang kanyang mga kapatid. Bigyan nawa kami ng panahon para magbago.” Hindi ito sinabi ng ina sa akin. Sinabi niya ito sa pari sa funeral blessing. Alam ng ina, na dating layko, na ang kamatayan ay maaaring “greatest human act” na tanging ang Panginoon lamang ang nakagagawa.

Nais ng pamilya Binay na drug-free ang Makati. Ha!? Lumala ang droga sa panunungkulan ng mga Binay, bagaman walang Binay na sangkot dito. Napabayaan ng mga Binay ang mga opisyal ng pulis at ilang surot na kaalyado. Malawak ang droga sa Makati: sa mahihirap, P. Burgos, The Fort. Sa mga otel ay parang “room service” na lang ang droga.

Isasakay na naman tayo sa tsubibo ng demonyong mga mambabatas sa pagsususog nila ng divorce. Ha!? Wala ngang nagpapakasal, divorce pa? Paano magpapakasal ang karpintero na dalawang araw lang sa sanlinggo ang kanyang trabaho at mababawasan pa ng “pondo” ang suweldo para muling makapagtrabaho?

Ang pagtuunan ng pansin ng mga mambabatas at opisyal ng gobyerno ay ang tumataas na presyo ng bilihin. Sa P100, dati’y nakabibili ng dalawang ulam at isang kanin sa turu-turo sa labasan. Dalawang ulam na lang ang kayang bilhin nito at kulang pa sa rekados, tulad ng tinola (kapirasong sayote, walang malunggay). Ito ang pananghalian ng mahirap na pamilya, na walang CCT, sa Malaria, Caloocan. Almusal? Hapunan? Ewan.

Para sa mas mahirap pa, meron pa rin namang kaninbaw (isang plastik na kanin na may sabaw ng nilagang baboy o isda) at dalawang stick ng inihaw na dugo. Walang CCT ang pamilyang ito. Sila ang tinawag na poorest of the poor. Pamumulot ng plastik, basura, atbp., ang kanilang “kalakal.”

Sa maliit na parokya ng St. Paul of the Cross sa Bagong Silang, North Caloocan, sa teritoryo ng Diocese of Novaliches, ang konting sobra sa koleksyon ay napupunta sa “feeding” ng mga anak-mahirap. Hindi madalas ang feeding, dahil wala rin namang pera. Ang feeding ay meryenda lang; maibsan lang ang gutom. Hindi nararamdaman dito ang gobyernong Digong.

PANALANGIN: Panginoon, sa pagsilip ng bagong umaga, unahin mo ang sinag ng sigla sa paghahanap ng makakain. Bigyan mo kami ng aming kakanin sa araw-araw at manatili itong tatlong beses pa rin.

REKLAMO ng bayan (0916-5401958; litobautista5319@yahoo.com): Sa wakas ay napansin na rin ang Carranglan, NE. Lahat ng biyaheng Vizcaya, Isabela at Ilocos ay may sakay sa bubong. Magagaling ang driver dito. Aksidente lang ang nangyari. …6568.

Umaalingasaw ang baho sa Soler sa Maynila. President-mayor, birthday mo pa naman, mabaho ang siyudad mo. …1765

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement