Pakiusap ni Neil Arce sa press, wag munang pag-usapan si Angel | Bandera

Pakiusap ni Neil Arce sa press, wag munang pag-usapan si Angel

Reggee Bonoan |April 20,2017
facebook
share this

Pakiusap ni Neil Arce sa press, wag munang pag-usapan si Angel

Reggee Bonoan - April 20, 2017 - 12:01 AM

angel locsin at neil arce

TAWANG-TAWA ang mga katoto sa amin ng ex-boyfriend ni Bela Padilla na si Neil Arce dahil tila naghahabulan daw kami pagkatapos ng presscon ng “Luck At First Sight”.

Talagang hindi kasi namin tinigilan ang co-producer sa nasabing pelikula hangga’t hindi niya kami sinasagot tungkol sa Hongkong rendezvous nila ni Angel Locsin kamakailan kasama ang ilang kaibigan nila sa ABS-CBN.

Kung hindi pa kami kinausap sa chat ng kaibigan naming naka-base sa Hongkong ay hindi namin malalamang magkasama pala sina Angel at Neil na nagbakasyon doon.

Nu’ng narinig ni Neil ang pangalan ni Angel ay kaagad na itong tumalikod at kung saan-saan na lumusot – nariyang nag-group pictorial na kasama ang cast at director ng “Luck At First Sight” at pagkatapos ay pumunta sa mesa nina Manay Ethel Ramos at nakipag kuwentuhan sandali pero talagang nakabantay pa rin kami.

Marahil ay naisip ni Neil na hindi kami titigil hangga’t hindi namin nakukuha ang sagot kaya idinaan na lang niya kami sa pakiusap.

Hinawakan niya ang braso namin sabay sabing, “Next time na lang, focus muna tayo rito sa ‘Luck At First Sight’, pasensiya ka na, promise next time.”

E, siyempre bossing Ervin, ano pa ba ang susunod naming sagot, e, di “okay lang.” Kaysa ‘yung umiwas nang umiwas at hindi na kami kinausap, mas bastos iyon, di ba?

Anyway, inisip namin na nagpaka-gentleman lang si Neil dahil bukod sa kasama sila sa producers ng “Luck At First Time” ay ayaw niyang matabunan ang presscon nina Jericho Rosales at Bela Padilla dahil wala namang kinalaman ang personal life niya sa pelikula.

Naintindihan namin iyon, pero sa susunod na magkikita kami ni Neil ay sana masagot na niya kami tutal siya naman ang nangako ng “next time.”

Sabi nga ng ex-BF ni Bela, gusto niyang mag-focus muna sa promo ng “Luck At First Sight” dahil proud siya na sila ni Bela ang gumawa ng storyline at bumuo ng kuwento bukod pa sa ‘yan sa collaboration nila noon sa mga pelikulang “10,000 Hours” at “Camp Sawi.”

May nagtanong kung hindi ba mahirap sa parte ng producer na hindi masyadong kumikita ang pelikula lalo na ngayon na iilan lang sa local films ang tumatabo sa takilya.

Itinanggi ito ni Neil dahil halos lahat naman daw ng ipinrodyus nila ni Boy 2 Quizon para sa N2 Productions with Viva Films ay kumita.

“‘Yung 10,000 hours, nakuha naman namin kung anong gusto namin (kita), sa Camp Sawi, it’s a big hit. Actually, mako-compare ko sa parang panganganak.

“Parang anak mo lahat ‘yung movie, medyo hirap ka lahat sa paggawa, pag nandiyan na, sobrang sarap ng feeling, ang dami mong nabigyan ng trabaho, ang dami mong napasaya, ang dami mong natulungan kung baga in the smallest way at saka as much as possible kapag lumalabas ang tao (sa sinehan), masaya okay kami ro’n, eh.

“Actually, magga-grind na ako sa Thursday. Pero puwedeng dito muna tayo sa ‘Luck At First Sight’ mag-focus, pero ang director ko sa next is direk Joyce (Bernal), ‘yung cast saka na lang, sa next presscon na,” kuwento ni Neil.

Napansing may pigura si Neil na maging artista dahil makinis at malinis sa katawan kaya may nagtanong kung hindi ba siya inalok pasukin ang showbiz o hindi ba niya naisip na may future rin siya as an actor?

“Wala naman, mataas kasi ang talent fee ko, e, Ha-hahaha! Joke lang ‘yun,” tumawang sagot ni Neil, sabay hirit pa ng, “Walang nag-aalok sa akin, if ever manager ko si Boy 2 (sabay hawak sa balikat ng komedyante) kapag may nag-alok,” aniya pa.

Mapapanood na ang “Luck At First Sight” sa Mayo 3 mula sa Joyce Bernal Productions with Viva Films and N2 Productions na pagbibidahan nga nina Jericho, Bela, Cholo Barretto, Issa Pressman, Kim Molina, Dennis Padilla at Jeric Raval mula sa direksyon ni Dan Villegas.

q q q

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang tanungin naman namin si Bela tungkol sa relasyon nina Angel Locsin at Neil Arce after ng presscon ay inamin niyang wala siyang ideya na si Angel pala ang kasama ni Neil pero ang alam niya ay nagdi-date na ang dating karelasyon.

“Hindi ko nga po alam na magkasama sila, narinig ko lang po kanina rito, may nagtanong. Wala pa pong nag-confirm sa akin, pero kung totoo man happy naman ako para sa kanila,” sabi ni Bela.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending