Robin miss na miss na si Kylie; pero mas bilib pa rin sa asawa ni Queenie | Bandera

Robin miss na miss na si Kylie; pero mas bilib pa rin sa asawa ni Queenie

Reggee Bonoan |April 18,2017
facebook
share this

Robin miss na miss na si Kylie; pero mas bilib pa rin sa asawa ni Queenie

Reggee Bonoan - April 18, 2017 - 12:01 AM

robin kylie at aljur

MISS na miss na ni Robin Padilla ang kanyang “little action princess” na si Kylie Padilla.

Nag-post si Binoe ng litrato sa kanyang Instagram account kung saan makikitang naka-costume si Kylie bilang si Amihan na kuha sa fantaseryeng Encantadia ng GMA.

Caption ni Robin sa nasabing larawan, “My action protégé!! Bata pa lang ito matindi na! Nag Gymnastics, nag martial arts close hand, open hand, free hand weapons, wire training, gun training and stunts. NO man can beat her in combat maging ring man o kalsada man except with LOVE…Daddy’s little action princess is now somebody’s queen In shaa Allah.”

Hindi na kasi madalas na nakikita ng action star ang anak simula nu’ng magsama sila ni Aljur Abrenica,

ang ama ng ipinagbubuntis ngayon ng aktres.
Bukod dito ay hindi rin siguro nakadadalaw si Kylie sa ama dahil open book naman na hindi pa nagkakasundo sina Robin at Aljur. Hindi pa kasi nakikipag-usap ang aktor sa ama ng aktres.

Kaya naman hindi itinatago ni Robin na mas bilib siya sa asawa ni Queenie Padilla na tinawag pa niyang “magiting na lalaki” dahil hinarap siya nito at pormal na hiningi ang basbas niya bilang ama ni Queenie.

Ano nga ba ang dahilan at hindi pa nakikipag-ugnayan si Aljur sa ama ni Kylie? Natatakot ba siya kay Binoe? Hindi pa ba siya handang hingin ang kamay ng kanyang girlfriend sa ama nito?

Sa tingin namin ay haharapin naman siya ni Robin dahil maginoo naman ang action star lalo na’t alam naman nitong mahal ng binata ang dalaga, lalo na ngayong magkakaanak na sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending