Pelikula nina Kathryn at Daniel pinuri ng madlang pipol; kumita ng P33M sa 1st day | Bandera

Pelikula nina Kathryn at Daniel pinuri ng madlang pipol; kumita ng P33M sa 1st day

Reggee Bonoan |April 17,2017
facebook
share this

Pelikula nina Kathryn at Daniel pinuri ng madlang pipol; kumita ng P33M sa 1st day

Reggee Bonoan - April 17, 2017 - 12:01 AM

kathryn bernardo at daniel padilla

NOONG Sabado de Gloria nagbukas sa mga sinehan ang “Can’t Help Falling In Love” movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na nagkaroon ng 10 block screening (bawa’t grupong kinabibilangan ng fans club ng KathNiel).

Sa 10 block screening ay times two dahil bawa’t grupo ay tig-dalawa ang ginawa at naimbitahan nga kami sa 6 p.m. screening (may naunang 3 p.m.) sa SM Light Cinema 1 na inisponsoran ng KathNiel Ka Dreamers World.

Kuwento sa amin ng lider ng grupo na si Miss Agot, every other day ang pa-block screening nila para sa loyalistang supporters ng KathNiel at magkakaroon din sila ng private screening na hindi na namin babanggitin kung saan dahil exclusive raw iyon.

Ilang minuto pa lang nagsisimula ang pelikula ay inihinto na ang pagpapalabas dahil nagdatingan na ang sangkaterbang marshalls na pumalibot talaga sa loob ng sinehan.

Pero bago naman nangyari iyon ay nagpasintabi naman na ang isa sa staff ng KathNiel Ka Dreamers World na bawal tumayo ang lahat ng nasa sinehan, walang kukuha ng litrato dahil may official photographer sila, hindi puwedeng lumapit sa harapan at walang magsisigawan.

Habang hinihintay ang pagpasok nina Daniel at Kathryn ay inusisa namin ang lady marshall na nasa harapan namin kung ilan silang lahat na nakatalaga sa event dahil ang dami-dami nila, “Nasa 23 po kaming lahat, ma’am. Kailangan po kasi marami kami,” sabi sa amin.

Pang-limang block screening na raw ang naganap sa SM Light na pinuntahan nila at nauna na ang Trinoma Mall, Fishermall, Robinson’s Galleria at SM Megamall.

May tatlo pa raw silang mall na dadayuhin kaya talagang tig-10 minuto lang ang itinatagal ng KathNiel sa bawa’t mall para pasalamatan ang lahat ng sumusuporta sa kanila. Kailangan talaga maraming marshalls na kasama ang KathNiel dahil grabe talaga sa dami ang mga sumugod sa iba’t ibang sinehan noong Sabado.

Anyway, kung tama kami ang KathNiel Ka Dreamers World ang may pinakamaraming miyembro dahil bukod sa iba’t ibang probinsya sa Pilipinas ay umabot na rin sila sa ibang bansa.

Nakadagdag ang block screening sa kinita ng “Can’t Help Falling In Love” sa unang araw ng pagpapalabas nito na umabot sa P33 million.

Base sa post ng publicity manager ng Star Cinema na si Mico del Rosario, “Maraming maraming salamat po!! P33million opening day gross for #canthelpfallinginlove #CHFILNowShowing! To God All The Glory!”

Hindi nagpatalo ang “CHFIL” sa The Fast and The Furious” dahil wala kaming nakitang pumasok habang naroon kami na halos magkatabi lang ang sinehan.

In fairness, sobrang kilig at aliw ang “Can’t Help Falling In Love” kaya may mga nakita kaming bloggers na ilang beses na nilang pinanood at ang inaanak naming anak nina katotong Nonie at Maricris Nicasio na si Ysa Nicasio ay dalawang beses pinanood ang pelikula nu’ng Sabado, bukod pa kahapon at ngayong linggo.

Ang laki ng iginanda ni Kathryn sa pelikula at ang gaganda ng damit niya, magaling ang stylist niya kumpara sa mga nakaraang pelikula nila ni Daniel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pelikulang ito kami talaga sobrang naguwapuhan kay Daniel at gusto namin ang mahabang buhok niya sa likod na mala-F4 ng Meteor Garden. Lalong humusay ang akting ni Daniel at patok ang mga punchline niya sa movie.

Hindi na namin ikukuwento nang buo ang movie, panoorin n’yo na lang at tiyak na maaaliw din kayo. At binabati namin ang Star Cinema at si Direk Mae Cruz-Alviar na puwede nang i-level kina direk Cathy Garcia Molina at Joyce Bernal sa pagiging box-office director ng mga rom-com movies.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending