‘Summer love’ nina Daniel at Kathryn may part 2 sa Bora | Bandera

‘Summer love’ nina Daniel at Kathryn may part 2 sa Bora

Reggee Bonoan |April 13,2017
facebook
share this

‘Summer love’ nina Daniel at Kathryn may part 2 sa Bora

Reggee Bonoan - April 13, 2017 - 12:01 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

ANG  Semana Santa ang pinakahihintay na bakasyon ng lahat dahil ito lang ang panahon para makapagpahinga nang matagal-tagal mula sa trabaho.

Sa panahon ding ito nakakapagpahinga ang mga celebrities at halos lahat ay nagpupunta sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at ‘yung iba naman ay sa ibang bansa kung saan may malamig na klima.

‘Yung iba naman ay mas gustong manatili na lang sa hotel para sa kanilang privacy lalo na kung kasama ang kani-kanilang partner sa buhay.

Ngayong Holy Week ay sa isang pribadong resort sa Subic, Zambales magbabakasyon ang pamilya ni Sylvia Sanchez kasama sina Arjo at Ria Atayde na lagare sa taping ng The Greatest Love, FPJ’s Ang Probinsyano at My Dear Heart.

Sina Richard Poon at Maricar Reyes naman ay walang planong umalis ng bansa. Ang sabi sa amin ng singer, “bahay namin at bahay ng kaibigan lang” daw sila magpapalipas ng Mahal na Araw.

Sina Vina Morales at anak nitong si Ceana ay wala pa raw plano nu’ng sulatin namin ito pero baka sa bahay lang daw sila tutal naman may swimming pool naman sila roon kaya puwede na silang magbabad doon na mag-ina.

Laging sa bahay nila sa Palawan na ginawang resort ang laging pinupuntahan ni Derek Ramsay kasama ang buong pamilya at mga kaibigan.

Ang isa sa Birit Queens na si Angeline Quinto na kararating lang mula sa Abu Dhabi kung saan sila nag-show kasama sina Jona, Morissette at Klarisse ay sa Sampaloc, Maynila raw magse-Semana Santa na nakasanayan na niya simula noong bata pa dahil may Pabasa sila roon ng kanyang mama Bob.

Kasalukuyang nasa Amerika sina Sam Milby, Rayver Cruz, Jodi Sta. Maria, Piolo Pascual at iba pa para sa Star Magic 25th anniversary tour kaya doon na rin nila ipagdiriwang ang Semana Santa.

Nu’ng tinanong namin si Shaina Magdayao kung saan siya ngayong bakasyon ay wala pa siyang maisagot dahil ang focus niya noon ay ang taping ng teleseryeng The Better Half kasama sina Carlo Aquino, JC de Vera at Denise Laurel.
Sa Bangkok, Thailand naman magbabakasyon si Bea Padilla kasama ang ina, dadalawin daw nila ang kanyang tatay na matagal nang nakabase roon.

Ang pamilya naman ni Karla Estrada kasama siyempre si Daniel Padilla at mga kapatid nito with Kathryn Bernardo and family ay sa Boracay daw magpapalipas ng Holy Week.

Ibig sabihin, may continuation pa ang “best 2017 summer love” ng KathNiel na nagsimula nga noong mag-birthday si Kath sa El Nido, Palawan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala namang sagot sa amin sina Vice Ganda, Angel Locsin at Boy Abunda nu’ng tinanong namin kung saan sila ngayong Holy Week.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending