Pia masamang-masama ang loob kay Marlon, napahiya sa madlang pipol | Bandera

Pia masamang-masama ang loob kay Marlon, napahiya sa madlang pipol

Cristy Fermin |April 05,2017
facebook
share this

Pia masamang-masama ang loob kay Marlon, napahiya sa madlang pipol

Cristy Fermin - April 05, 2017 - 12:01 AM

pia wurtzbach at marlon stockinger

DAHIL sa rebelasyon ng pagkakaroon na ng anak ng car racer na si Marlon Stockinger ay maraming nagtatanong ngayon kung tuloy pa rin ba ang kanilang relasyon ng ating beauty queen na si Pia Wurtzbach.

Nagkani-kanyang opinyon na ang ating mga kababayan tungkol du’n. May mga nagsasabing sana’y mas gumana ang utak ngayon ni Pia kesa sa kanyang puso.

Kung talagang mahal daw siya ni Marlon, sa unang araw pa lang ng kanilang pagkikilala ay sinabi na dapat ng lalaki ang kanyang nakaraan, pero natagalan pa bago ‘yun nalaman ni Pia.

Kundi pa lumitaw si Kit Barraquias na nakarelas-yon-naanakan nito ay wala pang malalaman si Pia, nabigla ang beauty queen, dahil wala naman kasing nababanggit na ganu’n sa kanya ang car racer.

May kuwento ring nagkaroon ng argumento ang dalawa na nauwi na sa hiwalayan. Masakit na masakit daw ang loob ni Pia dahil hindi nagpakatotoo sa kanya ang car racer kaya napahiya siya sa publiko nang lumutang ang katotohanan tungkol sa nakaraan ng kanyang boyfriend.

Sabi nga ni prop, “Napapahiya siya ngayon dahil sobrang engrossed siya sa relasyon nila ni Marlon. Lahat na lang ng mga nangyayari sa kanila, e, ipinagsisigawan niya sa buong mundo.

“Kaya ngayong lumabas na ang kuwento na may anak na palang kambal ang boyfriend niya, feeling ni Pia, e, napakalaki ng dapat niyang panagutan sa mga followers niya.

“She’s not discreet kasi, she’s too flaunty, feeling din ng lahat, e, mas mahal na mahal niya si Marlon kesa sa mahal siya. Kung naging maingat lang siya sa pagla-labas ng kung anu-anong posts about them, wala sana siyang guilt feelings ngayon,” kabuuang sabi ng kaibigan naming propesor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending