Huling-huli sa akto: Joshua, Julia magka-holding hands na sa party | Bandera

Huling-huli sa akto: Joshua, Julia magka-holding hands na sa party

Reggee Bonoan - April 04, 2017 - 12:10 AM

joshua garcia at julia barretto
NAHULING magka-holding hands sa 25th birthday party ni Ria Atayde sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa Sofitel Philippine Plaza Manila nitong Linggo.

Sa thanksgiving presscon ng afternoon series na The Greatest Love ay hindi naman itinanggi ni Joshua na totoong espesyal si Julia sa kanya at mahal din nila ang isa’t isa, pero walang pag-amin ang paboritong apo ni Mama Gloria (Sylvia Sanchez) kung opisyal na silang magkarelasyon ng dalaga.

Bukod sa pelikulang “Vince & Kath & James” ay wala pa kaming alam na pagsasamahang project nina Joshua at Julia kaya hindi naman siguro promo itong pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Ayon kasi sa nakakita sa dalawa, magkahawak-kamay ang mga ito at magkaakbay habang patungo sa Garden venue ng party. Wala raw gaanong tao roon at medyo madilim pa.

Anyway, sa TGL presscon ay inamin din ni Joshua na ang greatest love niya ay ang kanyang tatay na siyang nagpalaki sa kanya dahil hindi na niya nakalakihan ang ina.

“Mas close po ako sa tatay ko, kasi hindi ko naman nakasama ang nanay ko. Opo, simula bata pa, wala na akong mother figure. Minsan po nagkikita kami, pero minsan lang kasi busy din siya sa trabaho at may iba na rin siyang pamilya. Ginampanan naman ng tatay ko ang pagiging ama at ina,” kuwento ng batang aktor.

Samantala, pagkatapos ng The Greatest Love na tatlong linggo na lang sa ere ay muling mapapanood si Joshua sa seryeng Kung Kailangan Mo Ako mula sa Dreamscape Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending