Babala kay Pia: Mag-ingat kay Marlon...baka matulad sa ex-gf na inanakan lang at pinabayaan | Bandera

Babala kay Pia: Mag-ingat kay Marlon…baka matulad sa ex-gf na inanakan lang at pinabayaan

Cristy Fermin |April 03,2017
facebook
share this

Babala kay Pia: Mag-ingat kay Marlon…baka matulad sa ex-gf na inanakan lang at pinabayaan

Cristy Fermin - April 03, 2017 - 12:01 AM

PIA WURTZBACH AT MARLON STOCKINGER

PIA WURTZBACH AT MARLON STOCKINGER

KULAY rosas ang kanilang paligid nu’n, sweet na sweet ang mga retratong inilalabas nila, pati ang mga mensahe nilang nakakakilig.

Nakalimutan nilang isipin na totoong maganda ang bulaklak ng rosas, pero may tinik ‘yun, nakatutusok at nakapananakit.

Heto na nga, lumabas na ang kuwento ng pagkakaroon ng kambal na anak ng car racer na si Marlon Stockinger, pitong taon na ang mga bata.

Nang tanungin si Pia Wurtzbach tungkol du’n ay parang nabilaukan ang ating beauty queen, gulat na gulat siya, baka raw naman ibang Marlon ang tinutukoy sa kuwento?

Pero hindi, buong-tatag na inamin ng modelong si Kit Barraquias na ang car racer nga ang biological father ng kanyang mga anak, handa itong ipa-DNA test ang kambal kapag nagdenay si Marlon.

Saan pa ngayon magtatago ang car racer? Magdedenay pa ba ito? Pero may isang aspetong mas na-kagugulat sa mga rebelasyon ni Kit Barraquias.

Ni minsan pala, as in kahit minsan lang, ay hindi nagpadala ng sustento ang car racer sa kanyang kambal. Alam nito ang senaryo, pero ayon kay Kit ay walang sustento ang mga bata mula sa car racer, samantalang maykaya naman ito sa buhay.

‘Yun ang ikinaaalarma ngayon ng mga nagmamahal at nagmamalasakit kay Pia, kailangan daw mag-isip na mabuti ngayon ang beauty queen, kung itutuloy pa rin niya ang pakikipagrelas-yon kay Marlon.

Kailangan daw balansehin ngayon ng beauty queen ang sitwasyon. Baka raw kasi mangyari rin sa kanya ang nangyari kay Kit na pagka-tapos maanakan ay basta na lang tinalikuran ng car ra-cer.

May katwiran ang katwiran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending