Sey mo Queen Pia, ex-GF ni Marlon Stockinger handang ipa-DNA test ang kambal na anak | Bandera

Sey mo Queen Pia, ex-GF ni Marlon Stockinger handang ipa-DNA test ang kambal na anak

Reggee Bonoan |April 01,2017
facebook
share this

Sey mo Queen Pia, ex-GF ni Marlon Stockinger handang ipa-DNA test ang kambal na anak

Reggee Bonoan - April 01, 2017 - 12:10 AM

MARLON STOCKINGER AT PIA WURTZBACH

MARLON STOCKINGER AT PIA WURTZBACH

“BAKIT pa kailangang i-follow-up? Okay na ‘yung lumabas ang totoo, vindicated na kami.” Ito ang pahayag sa amin ng mga katotong nag-interview kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa isang product launch.

Binara kasi sila nu’ng hingan ng komento si Pia sa isyung may mga anak na ang racing car driver boyfriend niyang si Marlon Stockinger.

Medyo nairita nga raw si Pia sa tanong kaya binalikan din sila ng tanong ng dating beauty queen ng, “Are you sure it’s the same Marlon? There’s a lot of Marlons. Idon’t know anything about that.”

Kahapon ay nailathala sa PEP ang panayam sa ina ng kambal na sinasabing mga anak na ni Marlon, si Kit Barraquias na dating modelo.

Kuwento ni Kit kay Arniel Serato, “He’s the biological dad. I don’t wanna say he’s the dad, just the biological dad. And that’s it. We haven’t had any communication. He hasn’t seen the girls ever.”

Nabanggit din ni Kit na gusto raw makita ni Marlon noon ang mga anak, pero biglang umurong dahil may biglaang lakad. Sinabi rin ni Kit na handa niyang ipa-DNA test ang mga anak kung hihingi ng katibayan si Marlon.

Pero base sa nakita naming larawan ng kambal ay kamukhang-kamukha ni Marlon na hindi lang puwedeng ilabas sa publiko dahil mga menor de edad.

Ayon pa kay Kit ay naging sila ni Marlon noong 27 years old siya at disiotso anyos naman ang huli. Ani Kit, “I’m older by 9 or 10, I think. And that’s the reason. I don’t wanna be the one to ruin his racing career.”

Nakapunta na raw si Kit sa Zurich, Switzerland kung saan ipinakilala siya sa lola nito. Apat na buwang buntis daw noon si Kit noong naghiwalay sila ni Marlon.

“I was working then, I can handle myself. I don’t take anything against him.”

As of now ay walang sustenong natatanggap si Kit para sa mga anak buhat kay Marlon. Hindi rin daw naghahabol ng sustento si Kit dahil may trabaho siya.

Bukas ang pahayagang ito para sa paliwanag ni Marlon.

Going back to Pia, ano kaya ang masasabi niya ngayon? O, baka naman hindi ipinagtapat sa kanya ni Marlon na may mga anak na siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, marami na ring nakapansin kay Pia ngayon na naging masyado nang wild base sa mga litratong pino-post niya sa social media. Bukod pa sa tumalak siya sa mga babaeng nagte-text sa boyfriend niya para ipaalam na kanyang-kanya lang ang guy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending