Daniel pinagbawalang mag-2-piece si Kathryn: Hindi pa po ako ready!!! | Bandera

Daniel pinagbawalang mag-2-piece si Kathryn: Hindi pa po ako ready!!!

Reggee Bonoan |April 01,2017
facebook
share this

Daniel pinagbawalang mag-2-piece si Kathryn: Hindi pa po ako ready!!!

Reggee Bonoan - April 01, 2017 - 12:05 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

PAGKATAPOS ng grand presscon ng bagong pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na “Can’t Help Fallin In Love” ay nabanggit ng aktor na nahiya siya kay Matteo Guidicelli nu’ng mapag-usapan si Sarah Geronimo na gusto raw niyang makatrabaho.

Say ni DJ nang makatsikahan ng ilang members ng entertainment press habang naglalakad palabas ng Villa Immaculada Restaurant sa Manila, “Oo nga, nakakahiya nandoon si Matteo nahiya ako ito kasing si Kathryn.”

Pero nu’ng si Kathryn naman ang tinanong kung sino ang gusto niyang makatrabaho bukod kay Daniel ay sinalo siya ng aktor, “Huwag na! Hayaan na natin ang management. Ha! Ha! Ha! Ako nga, hindi pa ako ready, eh. Huwag muna,” tumatawang sabi nito.

Natanong din kung papayag si Daniel na mag-Darna si Kathryn, “Oo ba, basta ako ang tatahi ng costume,” tugon ng binata.

Ganito kahigpit si Daniel bilang boyfriend ni Kathryn, yes opisyal nang matatawag na boyfriend-girlfriend ang dalawa dahil ang pahayag ng una sa estado ng relasyon nila ay, “We’re exclusively for each other.”

Samantala, sa nakaraang bakasyon nila sa Palawan kung saan nag-celebrate ng 21st birthday si Kathryn ay todo paalam talaga siya sa binata ng mga isusuot niya. Sabi ng dalaga, “Pinapa-approve ko talaga.”
Katwiran naman ni DJ hindi pa puwedeng mag-two piece ang dalaga, “Hindi pa, ‘wag muna, hindi pa ako ready. Ayaw ko siyang makita ng mga ibang lalaki.”

Pero pinayagan ng aktor na mag-Muay Thai si Kath bilang paghahanda sa serye nilang La Luna Sangre, “Maganda ‘yung may konting laman,” saad ng binata.

Ang latest movie ng KathNiel ay mula sa direskyon ni Mae Cruz-Alviar under Star Cinema na mapapanood na sa Abril 15 kasama sina Cherry Pie Picache, Lotlot De Leon, Dennis Padilla, Joross Gamboa, Janus del Prado, Kristel Fulgar, Lito Pimentel, Pinky Amador, Johnny Revilla, Hannah Ledesma, Devon Seron, Chienna Filomeno, Earl Ignacio, Nina Dolinom, Belle Mariano, Clarence Delgado at Matteo Guidicelli.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending