Kulong, multa hatol sa gumutom sa Pinay maid | Bandera

Kulong, multa hatol sa gumutom sa Pinay maid

|March 27,2017
facebook
share this

Kulong, multa hatol sa gumutom sa Pinay maid

- March 27, 2017 - 04:00 PM

singaporeemplyers

NASINTENSIYAHAN ng pagkakakulong at multa ang mag-asawang Singaporean matapos gutumin ang Pinay na kasambahay.
Umabot ng tatlong linggong pagkakakulong at multang $10,000 (P359,000) ang ipinataw sa freelance trader na si Lim Choon Hong, 47. Tatlong buwang pagkakakulong din ang hatol sa misis na si Chong Sui Foon, 47.
Iaapela naman ng prosekusyon ang desisyon kung saan nais nilang ipataw ang isang taong pagkakabilanggo para sa dalawa.
Pansamantalang nakakalaya ang mag-asawa matapos magpiyansa ng $3,000 (P107,800) habang hinihintay ang apela.
Matatandaang napaulat na pinapakain lamang ng mag-asawa ang Pinay domestic worker na si Thelma Oyasan Gawidan ng dalawang beses kada araw sa kanilang dating tinitirhan na condominium sa Boulevard Residence sa Cuscaden Walk, dahilan para bumaba ang timbang ng 40-anyos sa 29 kilo mula sa 49 na kilo sa loob lamang ng 15 buwan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending