Garie ayaw panoorin ang video scandal ni Michael | Bandera

Garie ayaw panoorin ang video scandal ni Michael

Julie Bonifacio |March 28,2017
facebook
share this

Garie ayaw panoorin ang video scandal ni Michael

Julie Bonifacio - March 28, 2017 - 12:10 AM

MICHAEL PANGILINAN AT GARIE CONCEPCION

MICHAEL PANGILINAN AT GARIE CONCEPCION

NILINAW ni Sultry Showbiz Royalty Garie Concepcion na going strong pa rin ang relasyon nila ni Harana Prince Michael Pangilinan. Tahimk lang kasi ang dalawang singer at hindi mahilig mag-PDA gaya ng ibang celebrity couples.

Maybe this is the reason kung bakit ang akala ng iba ay hiwalay na sina Garie and Michael. Even her parents na sina Gabby Concepcion at Grace Ibuna ay nagtanong sa kanya kung sila pa ni Michael.

“Wala kasi silang nakikita. Hindi rin kami nakakapagkwentuhan. Nakakapagkwentuhan lang kami kapag nagkikita-kita kami. Sabi ko, ‘Yes, we’re still together,” lahad ni Garie.

Bagaman alam ni Gabby na may BF na si Garie, hindi pa niya naipakikilala si Michael sa kanyang Papa, “Hindi pa,” ngiti ni Garie. “Wala pa kasi akong napapakilala kay Papa, puro kay Mommy. Ewan ko.

Parang automatic lang sa akin na si Mommy muna. Tsaka ewan ko, iba, e, ‘pag Daddy.”

Habang si Michael naman daw at ang Mommy Grace niya ay okay na okay, “Para po silang bata.

Magkasundung-magkasundo ang mga utak nila. Hindi ko alam kung paanong nangyari. So, hindi ko alam kung matanda mag-isip si Michael o ‘yung nanay ko, e, minsan batang-isip. Kaya siguro she looks young, e, ‘di ba?”

Malaking bagay na pareho na silang mature ni Michael nu’ng pinagtagpo ng panahon. Kaya naman kahit may lumabas na kontrobersya kay Michael, kabilang na ang tungkol sa sex video nito last year, hindi natinag ang kanilang relasyon.

“Actually, nu’ng una hindi niya po alam kung paano niya sasabihin sa akin, so, I had to ask him ‘Are you okay?’ Kasi syempre I knew naman all about it. Pero syempre I wanted him to be the one to say something. So, ‘yun po. Lumabas na po, e, what else can we do?”

Never daw naging isyu sa kanya ‘yun on Michael dahil nangyari naman ‘yun before they met. Maiiba raw ang istorya kung nangyari ‘yun during the time na magkarelasyon sila.

Wala ring intension si Garie na makita ang naturang video ni Michael, “Meron akong isang make-up artist friend na sinend sa akin ‘yun. Sabi ko, ‘Ano ka ba? Bakit mo ise-send sa akin ‘yan?’ Sabi niya, ‘Girl, panoorin mo.’ ‘Ayoko nga!’ Hindi ba? Weird, e. Ha-hahaha! Sabi ko sa kanya, ‘Bakit ikaw?

Umamin ka sa akin, pinanood mo?’ Sagot niya, ‘Oo naman,” sabay tumawa ulit si Garie.

Meanwhile, excited na si Garie para sa nalalapit na first solo show niya entitled “Ohh…My Garie!” sa Music Box on Thursday, March 30.

“We will try something different po sa show. Medyo sultry po ‘yung gagawin namin this time. Magpapakita ng skin pero hindi naman po sobra. Saka pwede naman na po kasi hindi naman po ako bata. So-Solenn (Heussaff) tayo pero medyo covered-up ng konti,” tsika niya.

Suportado si Garie hindi lang ng kanyang talent management na Cornerstone sa bago niyang image kundi pati na ang kanyang Mommy Grace.

“Approved na rin po ng Mommy ko. Sabi nga niya, ‘Ay, salamat Anak! Finally. It’s about time. Hindi ka na bata. ‘Yan ang gusto ko.’ Go lang siya nang go. Ang kyut pa nga ni Mommy kasi sabi niya, ‘Gusto mo ako ang mag-isip ng repertoire mo.’ Sabi ko, ‘Sige Ma, tulungan mo ako.’”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayon pa lang ay nais na naming pasalamatan ang mga sumuporta kay Garie for her show gaya ni King of Talk Boy Abunda, Art Atayde, former Camarines Sur Mayor Genova, Jerry Yap at ang Erase Solutions.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending