KC kontra sa muling pagsasama nina Mega at Gabby sa pelikula | Bandera

KC kontra sa muling pagsasama nina Mega at Gabby sa pelikula

Ambet Nabus |March 15,2017
facebook
share this

KC kontra sa muling pagsasama nina Mega at Gabby sa pelikula

Ambet Nabus - March 15, 2017 - 12:25 AM

SHARON CUNETA, GABBY AT KC CONCEPCION

SHARON CUNETA, GABBY AT KC CONCEPCION

MASAKIT naman para sa isang anak tulad ni KC Concepcion ang amining kaya hindi matuloy-tuloy ang project na dapat ay pagsasamahan ng parents niyang sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta ay dahil hindi pa pala okey ang mga ito?

It has been years since bumalik ng bansa at nag-revive ng kanyang career si Gabby, habang nawala nga sa sirkulasyon si Mega lalo na nu’ng lumipat ito ng network at nawala sa proportion ang katawan nito.

Then nito ngang nakabalik na sa ABS-CBN ang Megastar, kasama sana sa mga dapat nitong gagawin ang movie project with Gabby, pero matatapos na naman ang unang quarter ng 2017 ay waley pa rin.

Mismong si KC nga ang nagsabing kahit excited siya sa pagsasama ng parents sa isang project, ayaw daw niyang panghimasukan ang desisyon ng mga ito dahil may kani-kaniya na silang buhay ngayon.

True bang hindi talaga pabor si KC sa pagtatambal uli ng kanyang mga magulang?

Ang huling dinig namin, okay na raw kay Gabby ang makatrabaho uli si Sharon after lumabas ang diumano’y P10 million na hinihingi niyang talent fee sa Star Cinema. Pero ang bagong chika, si Shawie na raw ang umayaw sa project.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending