Joseph Marco umamin na sa tunay na feelings kay Maja | Bandera

Joseph Marco umamin na sa tunay na feelings kay Maja

Reggee Bonoan |March 09,2017
facebook
share this

Joseph Marco umamin na sa tunay na feelings kay Maja

Reggee Bonoan - March 09, 2017 - 12:01 AM

JOSEPH MARCO AT MAJA SALVADOR

JOSEPH MARCO AT MAJA SALVADOR

INAMIN ng Kapamilya hunk actor na si Joseph Marco na unti-unti nang nahuhulog ang loob niya kay Maja Salvador, ang leading lady niya sa seryeng Wildflower na napapanood sa ABS-CBN.

Nakausap ng ilang members ng entertainment press si Joseph pagkatapos ng premiere night ng first horror movie niya na “Pwera Usog” under Regal Entertainment.

Ayon sa aktor, hindi raw pang-promo sa teleserye nila ni Maja ang pag-amin sa tunay na feelings niya sa dalaga, “She’s very beautiful, saka sobrang sipag niyang magtrabaho. Makikitaan mo talaga na pursigido siya, sobrang driven niyang tao, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya?”

Hindi naman nakasagot si Joseph at natawa lang nang sabihin naming, “Ganyan ang mga type mong babae, di ba, tulad ni Maja?” dahil natumbok nga namin ang nararamdaman niya.

Anyway, hindi na makukuwestiyon ang galing ni Joseph pagdating sa pag-arte dahil marami-rami na rin siyang nagawang teleserye at pelikula kaya inasahan na namin ang convincing performance niya sa unang horror movie niyang “Pwera Usog” kung saan kasama rin sina Albie Casino at Kiko Estrada na nagpakitang-gilas rin sa pelikula at pinatunayang may ibubuga rin sa akting tulad ng amang si Gary Estrada at lolong si Paquito Diaz.

Bida rin dito sina Sofia Andres, Cherisse Castro at Devon Seron mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.
Grabe ang gulat factor ng “Pwera Usog” dahil talagang mapapaigtad ka sa mga eksenang habulan at takutan. Kaya kung manonood kayo siguraduhing may kasama kayo dahil baka hindi n’yo kayanin ang pinaggagagawa ni direk Jason Paul sa latest horror movie ng Regal.

Pero ang natitiyak namin, pagkatapos n’yong panoorin ang “Pwera Usog” magdadalawang-isip na kayong magbigay ng tulong sa mga pulubi na may hawak na manyika.

Binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board ang “Pwera Usog” kaya alam n’yo na kung bakit! Showing na ito simula ngayong araw sa mga sinehan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending