Veteran star insecure, ayaw makatrabaho ang magagaling na young actor | Bandera

Veteran star insecure, ayaw makatrabaho ang magagaling na young actor

Reggee Bonoan - February 27, 2017 - 12:15 AM
BLIND ITEM MALE 0513 SANA hindi totoo ang nabalitaan namin tungkol sa veteran actor na nai-insecure sa mga bagong artistang magagaling.   Aksidente naming narinig ang kuwentuhan ng ilang mga taga-produksyon habang kumakain sila sa isang restaurant na pinag-uusapan nila ang veteran actor na sinusumpong na ng insecurities.   Hindi namin akalain na ang veteran actor na alam ng lahat ay super bait, family man, hindi kumikibo at palangiti ay may pagkamaldito  rin pala.   Noong una raw ay hindi ito napapansin ng mga bossing ng produksyon dahil maayos naman talagang katrabaho ang veteran actor, pero laking gulat nila nu’ng magsabi itong ayaw niyang kasama sa project ang baguhang aktor na may future in terms of acting.   Walang ibinigay na dahilan si veteran actor tungkol sa baguhang artista na makakasama niya sa magandang teleserye, ang sabi lang niya hindi niya type kasama.   Hanggang sa nagtanung-tanong na ang bossing sa ibang unit na nakatrabaho ang veteran actor at nakuha nila ang sagot.   “Ayaw na ayaw niya (veteran actor) na nasasapawan siya sa eksena, ayaw niyang may tumatalo sa kanya, gusto niya siya ang napapansin, sa kanya ibibigay ang mabibigat na eksena,” sabi ng isang taga-production.   Hmmmm, kaya pala okay na okay kay veteran actor nu’ng mawala ang mahusay na aktor na kasama niya sa TV project noon.   Mas gugustuhin pa raw ni veteran actor makatrabaho ang maarte at OA (over acting) kaysa sa mga artistang magagaling na nasasapawan siya.   Sayang, gustung-gusto pa naman namin ang veteran actor, nawalan tuloy kami ng gana sa kanya.    q q q                                Sa nakaraang guesting ni Direk Cathy Garcia-Molina sa Tonight With Boy Abunda ay hindi niya sinagot ang tanong kung sinu-sinong artista ang ayaw na niyang makatrabaho, bagkus ay isang malakas na tawa ang isinagot niya.   Kaya naman noong Sabado ay nag-follow up kami kay direk Cathy kung sino sa mga artista ngayon ang hindi na niya bibigyan ng second chance.   “Lahat ng maarte, ayaw kong makatrabaho,” mabilis na sagot sa amin ng direktor ng “My Ex and Whys” na kasalukuyang kumikita ngayon sa mga sinehan.   Sabi namin sa direktor na, “Naku direk ang dami nila, baka walang matira.” Natawa na lang sa amin si direk Cathy. Anyway, may boyfriend pala ngayon si direk Cathy kaya pala blooming siya, “Yes may boyfriend and almost 10 months na.”   Hindi naman niya itinangging nagsasama na sila ng guy kaya pala tumatawa niyang isinagot ang “good sex” sa tanong ni kuya Boy kung “good conversation” o “good sex.”   Ang next movie project ng isa sa blockbuster director ng Star Cinema ay ang balik-tambalan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, at naniniwala si direk Cathy na kikita ito dahil maraming nag-aabang sa reunion movie ng ex-couple.   “Thank you baka end of March kami mag-start (shooting),” sabi sa amin.   Samantala, si direk Cathy ang magsu-shoot ng pilot episode ng La Luna Sangre nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na ipalalabas naman sa third week ng 2017.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending