Sofia di gagayahin ang pang-aaway ni Diego kay Cesar sa social media | Bandera

Sofia di gagayahin ang pang-aaway ni Diego kay Cesar sa social media

Reggee Bonoan |February 24,2017
facebook
share this

Sofia di gagayahin ang pang-aaway ni Diego kay Cesar sa social media

Reggee Bonoan - February 24, 2017 - 12:10 AM

DIEGO LOYZAGA AT SOFIA ANDRES

DIEGO LOYZAGA AT SOFIA ANDRES

PINALALAKAS lagi ng Kapamilya youngstar na si Sofia Andres ang loob ng kanyang “special friend” na si Diego Loyzaga sa mga panahong meron itong pinagdaraanan.

Ayon sa dalaga, hindi naman daw puwedeng pareho silang mahina sa pagharap sa mga challenges ng buhay dahil baka kung anong mangyari.

Alam naman ng lahat ang problema ni Diego sa kanyang amang si Cesar Montano matapos nga itong mag-post sa social media ng kanyang mga hinaing at reklamo laban sa kanyang ama. Hindi man sumang-ayon ang marami sa ginawa ng aktor, nananatili pa rin ang suporta ng kanyang pamilya sa binata, lalo na ni Sofia.

“He’s better right now, siyempre mga mahal niya sa buhay sinusuporthan siya maski na anong mangyari kasi hindi naman po namin siya pinababayaan,” pahayag ng dalaga nang makausap namin at ilang katoto sa presscon ng bagong horror movie ng Regal Entertainment na “Pwera Usog”.

Inamin din ni Sofia na nagkakausap naman sila ng nanay ni Diego na si Teresa Loyzaga pero wala raw itong sinasabi sa kanya tungkol sa tunay na pinagdaraanan ni Diego, “Alam naman niya po na nandito lang ako para sa anak niya any time.”

May nagtanong naman kay Sofia kung paano naman ina-appreciate ni Diego ang kanyang concern?
“Nagkakaintindihan naman po kasi kami everytime nag-uusap kami. So, siguro yung pinapakita rin niya na nandiyan siya for me, ganu’n lang din po, vice-versa, give and take,” aniya.

Pero kung sakaling sa kanya nangyari ang na-experience ni Diego, sa social media rin ba siya magsusumbong ng kanyang mga sama ng loob?

“I’ll just keep it to myself because no one will ever understand what’s really going on in my personal life,” tugon ng dalaga.

Tinanong din namin siya kung kumusta ang selebrasyon nila ni Diego noong nakaraang Araw ng mga Puso.

“Wala po, hindi kami lumabas kasi may work po, nag-guest po ako sa Showtime at kasama ko po ang family ko after the show,” pahayag niya sa amin.

Puwede naman lumabas after work at maski kasama ang pamilya ni Sofia ay okay lang dahil madalas din naman namin silang nakikita, “Ha-hahaha! Hindi po, eh, kasi kasama po ‘yung mom (Teresa) niya.”
Pangungulit namin kung ano na ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Diego, ang sagot niya sa amin, “Magkaibigan lang po.” Napangiti muna kami sabay tanong ng, “Bawal pa ba ninyong aminin na kayo na?”

Tinitigan kami ni Sofia at hinawakan ang aming hita. Alam na namin kung ano ang ibig sabihin nu’n.
Sa pelikulang “Pwera Usog” ay gagampanan ni Sofia ang karakter ni Jane na isang millennial na may prank channel sa internet. Brat at may kinikimkim na galit sa ama at para mapansin ay gumawa siya ng kalokohan sa social media na naging mitsa ng kapahamakan nilang magkakaibigan.

Hmmmm, may hawig pala sa personal life ni Diego ang papel ni Sofia na may kimkim ding galit sa magulang.

Samantala, nabanggit ni Sofia na naka-experience na siya ng kababalaghan sa tunay na buhay at naikuwento nga raw niya ito sa direktor nilang si Jason Paul Laxamana. Naniniwala rin daw ang aktres sa “usog” dahil natatandaan niya naging “biktima” na rin siya nito noong bata siya.

Pahayag naman ni direk JP, “Isang fun horror movie ang ‘Pwera Usog’ na siguradong makaka-identify ang mga kabataan ngayon, yung mga tiinatawag nating millennials. Kasi ngayon, ang mga kabataan, nakasentro ang mundo nila sa technology na kung minsan siyang nagpapahamak sa kanila. Balewala na sa kanila ang ilang pamahiing Pinoy na bahagi pa rin ng ating kultura.”

Dagdag pa ng direktor, “Ibang klaseng horror movie ito. Ngayon pa lang ako gumawa ng katatakutang pelikula, ang challenge sa akin, pag horror, mas precise, dapat ang direction mo, ang shots, timing kasi dapat proper buildup bago mo ma-execute ang moment of horror.

“At kung paano mo tatakutin sa big screen ang mga tao na nakapanood na ng maraming horror movies, pati na rin ‘yung mga napapanood sa internet,” sabi pa ni direk JP.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin ni Sofia sa pelikula sina Joseph Marco, Devon Seron, Cherise Castro, Kiko Estrada, Rommel Padilla, Albie Casino, Eula Valdez at Aiko Melendez, na mapapanood na sa March 8 nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending