Cristine biglang napaiyak nang mapanood ang video ng tiyuhin | Bandera

Cristine biglang napaiyak nang mapanood ang video ng tiyuhin

Ervin Santiago |February 21,2017
facebook
share this

Cristine biglang napaiyak nang mapanood ang video ng tiyuhin

Ervin Santiago - February 21, 2017 - 12:10 AM
cristine reyes NAGING emosyonal si Cristine Reyes sa episode kahapon ng morning show na Magandang Buhay. Hindi napigilan ng Kapamilya actress ang mapaiyak nang mapanood ang video message ng kanyang tiyuhing si Demetrio Pascual. Nag-guest si Cristine sa Magandang Buhay kasama ang asawang si Ali Khatibi, at talagang napaluha siya habang nagkukuwento tungkol sa kanyang kabataan, lalo na noong nasa pangangalaga pa siya ng kanyang uncle at misis nito na aniya’y itinuring na siyang parang tunay na anak. “Touched po ako kasi di po nagpapa-interview si Daddy Metring, parang ngayon ko lang siya nakita nagpa-interview. Nag-flashback lahat nu’ng nangyari sa akin nu’ng bata pa ako. Siya talaga ang nag-alaga sa akin. “Katabi ko siya matulog, as in kami ‘yung magkasamang matulog, kung di man siya si Tita, as in masaya kami noong bata ako,” ani Cristine. “Thank you sa pag-aalaga mo sa akin tini-treasure ko ‘yon, ‘yung love at care na ibinigay niyo sa akin,” dagdag pa ng aktres habang umiiyak. Muling magbabalik si Cristine sa telebisyon sa pamamagitan ng bagong programa ng ABS-CBN na I Can Do That kasama sina Sue Ramirez, Arci Muñoz and Pokwang. In fairness, napakaganda pa rin ng aura ngayon ni Cristine at mukhang super happy naman siya sa piling ng kanyang mister.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending