Buking: Joshua Garcia halatang type dyowain si Julia Barretto | Bandera

Buking: Joshua Garcia halatang type dyowain si Julia Barretto

Reggee Bonoan - February 20, 2017 - 12:01 AM
joshua garcia at julia barretto NAPANOOD namin ang Maalaala Mo Kaya episode nina Joshua Garcia at Julia Barretto noong Sabado at masasabi naming talagang may magic ang kanilang tambalan. Naalala tuloy namin ang pelikula nilang “Vince & Kath & James” na entry sa 2016 Metro Manila Film Festival, talagang silang dalawa ang gustong magkatuluyan ng mga nakapanood.   May kilig kasi sina Josh and Julia kumpara sa tandem nina Julia at Ronnie Alonte na magkapareha ngayon sa seryeng A Love To Last.   Nagulat din kami nang mag-post si Sylvia Sanchez sa kanyang Facebook account ng, “Ang gwapong apo ko ay nasa #mmk, sabay natin panoorin si Z (pangalan ng batang aktor sa seryeng The Greatest Love) Joshua garcia, tumutok na umpisa na po ang #mmklovemenow with julia barretto.”   Biniro nga namin si Ibyang na, “Binabantayan mo ba acting ng apo mo (TGL)?” Pero hindi na niya kami sinagot.   Ang ganda ng eksena nilang nasa beach at kapansin-pansin ang titig ni Joshua kay Julia kaya naalala tuloy namin ang tsikang may gusto talaga siya sa dalaga. ‘Yun nga lang, alam kaya ng binatilyo na iba ang gusto ng aktres?   Bata pa naman si Joshua, baka may ibang babae pang nakalaan para sa kanya, ano sa palagay mo bossing Ervin? (Pwede rin namang sila ang magkatuluyan ni Julia, sabi nga you can never can tell! Ha-hahaha! – Ed)  

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending