Viral tv commercial ginaya raw sa serye nina John Lloyd at Bea? | Bandera

Viral tv commercial ginaya raw sa serye nina John Lloyd at Bea?

Ambet Nabus |February 13,2017
facebook
share this

Viral tv commercial ginaya raw sa serye nina John Lloyd at Bea?

Ambet Nabus - February 13, 2017 - 12:01 AM
john lloyd cruz at bea alonzo ISA kami sa mga naantig sa bagong ad campaign ng Jollibee. Malakas ang hatak at napakanatural ng drama dahil nga “inspired by true story.” Sa katunayan, nag-viral pa ang video nito sa social media kaya mas lalong pinag-usapan ng madlang people. Ngunit mabilis din ang ilang netizens na maghagilap ng posibleng pinagkunan ng storyboard nito, at isa na nga rito ang wedding scene raw sa seryeng A Beautiful Affair nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, with John Estrada. Ito yata ang huling soap opera nina Lloydie at Bea na umere pa noong 2012. Nang i-check nga namin ito sa internet, halos magkapareho nga ang mga eksena sa serye at sa nasabing TV ad. Parehong dinala ng magandang music at mahusay na facial expressions ng mga artista ang mga eksena (pero siyempre given na ang galing nina Bea at Lloydie), pero dahil bago ang mga mukha sa nasabing commercial, ay mas malakas ang kilig factor nito, lalo na sa amin! Ha-hahahaha! Bukod dito, may nagsabi rin na may pagkakapareho rin ito sa concept ng “first love” campaign ng isa pang food chain. Yun nga lang walang wedding scene na ipinakita roon. Pero kahit pa saan natin tingnan, nagtagumpay ang nasabing TV ad na makuha ang atensiyon ng publiko, kaya nga ito nag-viral nang bonggang-bongga! Pagpapatunay lang ito na talagang hopeless romantic at mapuso ang mga Pinoy. Perfect timing ding masasabi na inilabas ito ilang araw bago mag-Valentine’s Day.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending