Coco pinaligaya ang mga lolo at lola na adik sa 'Ang Probinsyano'; nag-share ng blessing | Bandera

Coco pinaligaya ang mga lolo at lola na adik sa ‘Ang Probinsyano’; nag-share ng blessing

Reggee Bonoan - February 12, 2017 - 12:15 AM
coco martin SOBRANG napasaya ng Teleserye King na si Coco Martin ang mga lolo at lola sa Grace Foundation sa likod ng SM North Edsa noong Biyernes ng umaga. Hindi makapaniwala ang mga kababayan nating senior citizen na nakita nila nang personal ang bida ng seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Yes bossing Ervin, avid viewer ng Ang Probinsyano ang mga lolo at lola kaya nang makita nila si Coco ay talagang tuwang-tuwa sila at ‘yung iba ay napayakap pa nang husto sa aktor. Malapit  sa matatanda si Coco lalo na sa mga lola dahil laking-lola rin siya. At bilang pasasalamat ng aktor sa mga ito ay personal siyang bumisita sa Grace Foundation para pasayahin ang mga ito. No wonder, walang tigil ang dating ng biyaya kay Coco dahil marunong siyang mag-share ng blessings at walang pinipiling antas sa buhay. Samantala, patuloy pa ring umaarangkada sa ratings game ang FPJ’s Ang Probinsyano at mukhang ilang araw na lang ay mapapanood na ang pinakahihintay na pagtutuos nina Cardo Dalisay (Coco) at Joaquin Tuazon (Arjo Atayde).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending