Joseph Marco may V-day gift kay Maja: Siguradong masasarapan siya! | Bandera

Joseph Marco may V-day gift kay Maja: Siguradong masasarapan siya!

Reggee Bonoan |February 11,2017
facebook
share this

Joseph Marco may V-day gift kay Maja: Siguradong masasarapan siya!

Reggee Bonoan - February 11, 2017 - 12:10 AM

JOSEPH MARCO AT MAJA SALVADOR

JOSEPH MARCO AT MAJA SALVADOR

HINDI nag-aral ng baking si Joseph Marco, pero marunong siyang gumawa ng tinapay at dalawang linggo pa lang daw siyang nagbe-bake.

Aniya, “By just watching videos, parang ang dali na lang gawin. Pero plano kong mag-aral din ng paggawa ng pastries. Pagkabili ko ng dough mixture, ‘yun pala ‘yung nagpapadali sa buhay ng isang baker kasi, pagmasa ang mahirap.

“Nag-try akong magmasa, sobrang nakakapagod, with the dough mixture, ang dali na lang gawin, susundan mo lang ‘yung ingredients, recipes tapos makukuha mo na,” kuwento ng binata.

Ang dahilan ni Marco kaya siya na mismo ang gumagawa ng tinapay na kinakain niya ay dahil wala itong ingredients na nakakasama sa katawan, tulad ng asukal at asin.

Samantala, nabanggit ni Maja Salvador sa presscon ng Wildflower na nag-e-expect siya ng bulaklak sa Valentine’s Day mula kay Marco na isa sa mga leading man niya sa bagong serye ng ABS-CBN.

Kaso hindi bulaklak ang ibibigay ni Joseph kay Maja kundi ang bineyk niyang bread, at tinitiyak daw niya na masasarapan ang aktres sa tinapat niya.

Temang Araw ng mga Puso na rin lang ang usapan ay aminado si Joseph na nasa bahay lang siya sa Feb. 14 dahil limang taon na raw siyang walang girlfriend.

“Wala pa talaga, ang hirap. Kasi 28 (years old) na ako, Reggs, tagal na, pero nagdi-date naman ako ng non-showbiz, patago lang pero ‘yung commitment, wala talaga. Ayoko ng showbiz, mahirap kasi.

“Open naman ako kung may ma-develop na showbiz at gusto ko naman, why not, pero ‘yun nga, right now kasi at 28, wala na ako sa stage na lokohan.

“Parang touch move siya na kapag nag-commit ka, di ba usually kapag pinapangakuan mo ang mga babae? Pag pinangakuan mo, panindigan mo and you have to be sure kasi kung hindi, kawawa naman ‘yung babae,” katwiran ni Joseph.

At dahil nasa bahay lang siya sa Valentine’s Day ay wala siyang gagawin kundi mag-bake lang, “Yes, ganu’n lang, kasi kapag wala akong lakad nasa bahay lang ako. Pinuno ko kasi ng entertainment deck, may computers ako roon like apat ‘yung computers ko.

“So minsan nag-i-invite ako ng friends saka nagsawa na rin ako ng kalalabas.  Feeling ko nagma-mature na talaga ako,” pahayag ng binata.

Sa Wildflower ay magpapakita na naman ng muscles at abs si Joseph tulad sa huling teleserye niyang Pasion de Amor, “Oo almost 10 months akong walang serye, pero in those months, nakagawa ako ng apat na movies, ang importante lang sa akin, ayoko ng nangangalawang.

“Dito sa Wildflower, iba naman ang papel ko kasi mato-torn ako between my family and Maja, ”kuwento ng aktor.

Sa kabilang banda ay abala rin si Joseph sa mga pelikulang ginagawa niya tulad ng “The Other Self” kasama sina JC de Vera at Jodi Sta. Maria at “Puwera Usog” with Sofia Andres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang Wildflower sa Lunes, Peb. 13 kung saan kasama rin sina Vin Abrenica, RK Bagatsing, Priscilla Meirelles, Aiko Melendez, Sunshine Cruz, Wendell Ramos at Tirso Cruz III mula sa direksyon nina Onat Diaz, Raymond Ocampo at Cathy Camarillo muna sa unit ni direk Ruel S. Bayani.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending