Quantcast

‘Buksan ang langit kay Boy’

By

KAILANGANG maging mapanuri at mapagnilay sa mga iniuutos ng namumuno. Hindi lahat ng itinuturo ay tama. May mga utos na ang layunin ay di para sa aba. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gen 1:20-24a; Slm 8:4-5, 6-7, 8-9; Mc 7:1-13) sa ika-limang linggo sa karaniwang panahon.

Dalawang bagay ang wala nang silbi kay Digong: PNP at CPP-NPA-NDF. Kung purihin niya noon ang mga ito ay parang nasa alapaap ang lahat; may magandang kinabukasan. Ipinahiya si Digong ng mga ito. Base sa nakalipas na tinalakay na Divine Punishment, tila may darating pa (whom the gods wish to destroy, they make them…).

Ang pagkakamali ni Digong ay nang murahin niya ang mga obispo’t pari dahil sa umano’y kasalanang laman nang wala namang ebidensiyang inihayag. Ang malaking pagkakamali ni Digong ay nang banatan niya ang simbahang Katolika. The (Catholic) church progresses on amidst the world’s persecutions, Cathechism of the Catholic Church, 769 (The church perfected in glory).

Noong panahon ni GMA, isang lalaki ang nagsabing ginahasa raw siya ni Archbishop Oscar Cruz. Dinala ng grupo na maka-GMA ang lalaki sa Arzobispado para ituro si Cruz. Agad na hinintay ni Cruz ang lalaki at kanyang grupo sa gate ng Arzobispado. Dumating ang lalaki at nilampasan si Cruz, na nakangiti pa sa kanya. Nagtanong ang lalaki kung sino si Cruz sa mga sumalubong sa kanya.

Isang malaking kamangmangan ni Digong ay nang sabihin niya na estupido ang Diyos na lumikha sa kanya at magdadala sa kanya sa impiyerno. Hindi nagdadala ang Diyos ng kanyang nilikha sa impiyerno. Ang nilalang ang pumipili na siya’y masadlak sa impiyerno habang buhay pa siya nang dahil sa kanyang mga kasalanan.

Una ko nang naisulat na ang mga pari sa Diocese of Malolos ay hati ang pananaw sa madugong war on drugs. Walang pari ang pabor sa pagsa-shabu. Ang mga pumili na maging demonyo sa droga ay patay na ang turing habang sila’y naglalakad. Ayon sa exorcist, di niya kayang palayasin ang demonyo kung ang inalihan ay pinili ang demonyo. Ang ayaw ng mga pari ay ang EJK, dahil ilan sa mga pinatay ay wala sa droga at sila’y tumulong sa simbahan.

Isa sa kahiya-hiyang naganap sa Digong rule ay ang suhulan sa immigration. Pero, ito’y bahagi ng parusa ng langit dahil sa kayabangan. Sa San Beda, di nagkulang ang mga pari. Nasa loob lamang ng compound ang simbahan. Si San Benedicto ang mabisang panlaban sa demonyo. Ang isa niyang dasal-utos ay vade retro satana (be gone satan).

Ano ang wala sa pamamahala ni Digong? Professional skill, intellectual capability at morality. Ang ganitong mga katangian ay hindi gawa-gawa ng kalaban. Ang mga ito’y kusang nakikita sa lider habang pinamamahalaan niya ang kanyang gobyerno. Alangan namang mamahala ang kalaban?

Nakaaantig ng damdamin ang pahayag ni Nadia nang mamatay si Mayor Boy Asistio. Sana buksan ng langit ang pinto para kay Boy. Siya ang nakaaalam kung sino si Boy. Lakipan ng dasal.

PANALANGIN: Pagpalain at iligtas tayong lahat ng ating Panginoon sa lahat ng kasamaan. Fr. Mar Ladra, Diocese of Malolos.

MULA sa bayan (0916-5401958): Madalas ninyong banggitin si Fr. Mar Ladra. Sino po ba siya? …4439. Tugon: Si Fr. Ladra ay tanyag na healing priest, gamit ang Espiritu Santo, sa Pulilan (San Isidro Labrador) at Marilao (National Shrine of the Divine Mercy).

Puro hambog lang si Bato. Wala namang nasampulan sa kanyang mga tao. Kung mahirap ang pumatay sa Korean, automatic patay yan. Pero dahil pulis, walang nagawa si Bato. May proseso pag pulis, pag mahirap wala. …3257

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement