Maja: Kailangan kong mag-ingat at magdahan-dahan muna sa lovelife! | Bandera

Maja: Kailangan kong mag-ingat at magdahan-dahan muna sa lovelife!

Reggee Bonoan |February 07,2017
facebook
share this

Maja: Kailangan kong mag-ingat at magdahan-dahan muna sa lovelife!

Reggee Bonoan - February 07, 2017 - 12:01 AM

maja salvador at paulo avelino

PANAY ang push ng mga katoto kina Paulo Avelino at Maja Salvador sa ginanap na “I’m Drunk, I Love You” presscon kamakailan dahil pareho naman silang single ngayon.

Alam daw ni Maja na maraming supporters ang tambalan nila ni Paulo, lalo na nu’ng ginagawa nila ang teleseryeng Bridges Of Love sa ABS-CBN.

“May fans kami na umaasa, na gustong maging kami ni Paulo. Pero siyempre, hindi lang naman doon magbabase ang lahat. Parang wala pa talaga sa tamang oras, tamang panahon para pumasok sa isang relasyon.

“Parang ang pangit naman na ita-try namin ni Paulo na maging kami dahil lang sa fans namin na gustung-gustong maging kami sa totoong buhay.

“Siyempre, importante ang love. Dapat maramdaman mo muna ‘yon bago ka talaga pumasok sa relasyon,” ani Maja habang nangingiti naman ang aktor na nasa tabi lang niya.

Pero inamin ng aktres na may ibang mga lalaking nagpaparamdam sa kanya at ‘yung isa nga rito ay idineyt siya, “Hindi ko rin masabing dating, eh or I’m seeing someone else. Hindi ko malagyan ng label, siguro date-date, puwede,” banggit ni Maja.

Hirit namin, boyfriend na raw niya iyong non-showbiz guy na dine-date niya base na rin sa bulong sa amin ng mga taong nakakita sa kanila, “Hindi pa, ano ba, mawalan man ako ng career ngayon, hindi pa at wala akong boyfriend. Hindi ako magna-knock on wood,” nagseryosong sagot ni Majs.

Ang dahilan ng dalaga kaya wala pa siyang karelasyon ay dahil na rin sa kagustuhan niya, “Ang dami na rin kasing nangyari sa akin, so by choice, hindi muna saka may trabaho ako, so iyon muna.

“Kailangan ko lang mag-ingat muna, mag-dahan-dahan, hindi ‘yung pag na in love ka ay todo na. Ganu’n naman di ba, pag na-hurt ka kailangan mong (mag-isip muna) kasi kailangan mo itong paghandaan muna para sa susunod na ‘the one’ mo,” esplika ng aktres.

Dagdag pa ng dalaga, “Hindi na ako ‘yung dati na nae-excite kaagad, nandoon na ako sa reyalidad na para maging realistic lang kung ano ‘yung puwedeng mangyari.

“Yung past relationship ko, ang dami ko rin namang natutunan, ngayon since I’m 28 na, hindi na ako basta-basta papasok sa isang relasyon,” sey pa ng dalaga.

q q q

Hiningan din ng komento si Maja tungkol sa balitang nagkabalikan na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo, “Nasagot ko na ‘yan, sabi ko huwag na akong umarte kasi nauna naman ang Bea-Gerald (relasyon),” nakangiting sabi ng dalaga.

Sabi pa niya, “And from what I know, they’re still dating, wala pa silang sinasabing nagkabalikan na sila, pero sabi ko, if Bea is happy, magiging masaya ako kasi kaibigan ko siya at mahirap man intindihin, pero magkaibigan talaga kami ni Bea.”

And for the record, hindi ugali ni Maja na balikan ang mga naging boyfriend niya, “Once I’m done, I’m done. Parang ayoko na, pero hindi natin alam, pero as of now, nandoon ako sa ayoko na. Kasi alam n’yo naman ‘yung napagdaanan ko,” katwiran ni Maja.

Samantala, tinanong namin si Maja kung bumalik na ba totally ang friendship nila ni Kim Chiu kasi hindi sila nakikitang lumalabas, “Oo, bumalik na, it’s just that hindi lang talaga kami lumalabas pa unlike before. Pero alam kong sincere ‘yung pinapakita namin sa isa’t isa sa tuwing magkikita kami.

“Almost the same pa rin ang friendship namin tulad dati, ang pagkakaiba lang, hindi kami lumalabas, pero nagkukuwentuhan pa rin kami at tinatanong niya (Kim) ang lovelife ko, ako rin nagtatanong, walang ilangan na, sincere na talaga,” kuwento ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napag-uusapan pa ba nila ang ex-boyfriend nilang si Gerald Anderson, “Parang ano ba ‘yun, huwag na naming pahirapan ang mga sarili namin, please,” natawang sabi ng leading lady ni Paulo sa “I’m Drunk, I Love You.”

Kasama rin nina Paulo at Maja si Dominic Roque sa pelikula na mapapanood na sa Peb. 15 mula sa direksyon ni JP Habac produced by TBA (Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment at Artikulo Uno Productions).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending