Paulo: Gustung-gusto ko si Maja dahil sa dami ng pagkaing dala niya sa shooting!
DAHIL sa masasarap na pagkaing dinadala ni Maja Salvador sa shooting ng “I’m Drunk, I Love You” ay mas lalong napalapit sa kanya si Paulo Avelino. Ang aktor pala mismo ang nag-request sa producers ng pelikula na si Maja ang kunin bilang leading lady niya.
Kuwento ni Paulo sa presscon ng “I’m Drunk I Love You”, laging nagdadala ng food si Maja sa set nila, na gawain din ng aktres sa taping noon ng serye nilang Bridges Of Love kung saan nakasama rin si Jericho Rosales.
Pero siyempre bukod sa masasarap na pagkaing dala ng aktres sa shooting ay gustung-gusto rin daw ni Paulo ang, “Her bubbliness on the set, the set would be lonely without her. And really I like her because of the food she brings on the set,” sabay tawa ng aktor.
Biro nga namin kay Paulo na the best way to a man’s heart is through his stomach kaya posible bang sinasadya ito ni Maja para magustuhan siya ng aktor?
“Puwede rin. Ha-hahahaha! Sobrang dami niya talaga magdala ng pagkain, sabi nga noon ni Echo, may pakain na naman si Mayora!”
Anyway, parehong walang karelasyon sina Paulo at Maja kaya tinutukso sila, malamang daw na sila ang magkasama sa Araw ng mga Puso pagkatapos ng guesting ng aktres sa Valentine concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum.
Noong nakaraang taon ay magkasama rin ang dalawa sa San Francisco dahil pareho silang may show doon at sila ang magkasamang nag-dinner. Ipinaalala pa nga ni Maja na puro lobster daw ang kinain ni Paulo.
“Oo nga, nakalimutan ko na kasi ang tagal na no’n. Well, Tuesday (Feb. 14) is taping day namin (serye niya sa ABS-CBN), so, Wednesday is first day ng film namin, so malamang kami-kami rin ang magkakasama. Grupo ng mga single,” napangiting sabi ng aktor.
Ano nga ba ang perfect date for Valentine para kay Paulo Avelino, “In a simplest way, magsindi ka lang ng kandila, magluto ka or mag-road trip lang kayo somewhere. It doesn’t need to be expensive, it just have to be simple and genuine.”
Usapang “I’m Drunk, I Love You” pa rin, tinanggap pala ng aktor ang pelikula dahil kay direk JP Habac na first time gumawa ng full length film.
“I’ve worked with direk JP before but never as a director, I accepted the film because direk JP is involved. I was really excited because I never figured that he would come out with a full-length script at this point or so soon after releasing two short films. Direk JP is such a relax, he’s someone I enjoyed working with,” kuwento ng aktor.
Tungkol sa magkaibigang single ang kuwento ng “I’m Drunk, I Love You” na bigla na lang nagkagustuhan nang pareho silang malasing.
Anyway, pagkatapos ng presscon ay tinanong namin ang tatay ng anak ni LJ Reyes na si Aki tungkol sa nabalitang wala siyang panahon sa bata dahil hindi niya ito dinadalaw.
Pero umiling ang aktor at nakiusap na huwag na lang pag-usapan muna dahil may tamang venue para rito.
Aniya, “Hindi pa panahon para magsalita po ako, pero ginagawa ko naman ang obligasyon ko bilang ama ng anak ko, hindi naman ako nagpapabaya sa financial, basta hindi lang dito (sa presscon).”
Mapapanood na ang “I’m Drunk, I Love You” sa Peb. 15, kasama rin dito si Dominic Roco mula sa direksyon ni JP Habac produced by TBA (Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment Artikulo Uno Productions).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.