Claudine inupakan uli si Raymart; nakakaumay na ang kadaldalan | Bandera

Claudine inupakan uli si Raymart; nakakaumay na ang kadaldalan

Jun Nardo |January 22,2017
facebook
share this

Claudine inupakan uli si Raymart; nakakaumay na ang kadaldalan

Jun Nardo - January 22, 2017 - 12:20 AM

CLAUDINE BARRETTO AT RAYMART SANTIAGO

CLAUDINE BARRETTO AT RAYMART SANTIAGO

WOW, sosyal na ang tawag ni Claudine Barretto sa ex-husband na si Raymart Santiago – “deadbeat dad”! Pinagandang salita na ang kahulugan ay iresponsableng ama, huh!

Nag-ugat na naman ang bagong galit ni Clau kay Raymart nang maospital ang anak nilang si Santino. Nanawagan ng dasal ang aktres sa followers niya para sa mabilis na paggaling ng anak.

Galit na ang kasunod na post ni Claudine sa Instagram account niya dahil hindi nakadalaw si Raymart sa kanilang anak habang nasa ospital. Sa hashtag ng caption niya inilagay ang #deadbeatdad.

Bago ang deadbeat dad, nakaalitan naman ni Claudine ang pamangkin ni Raymart sa kuya niyang si Randy Santiago. Wala pa ngang closure ito, heto na naman ang bagong arya ng aktres.

Gaya ng dati, dedma na lang si Raymart sa patutsada ng nakahiwalay na asawa. Less talk, less mistake nga naman. Pasasaan ba’t tatahimik din naman si Claudine, huh!

Nakakaumay na nga lang kung minsan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending