Bela nakipaghiwalay na sa bf na producer, may pakiusap sa press | Bandera

Bela nakipaghiwalay na sa bf na producer, may pakiusap sa press

Reggee Bonoan - January 21, 2017 - 12:05 AM

zanjoe marudo at bela padilla

SI BELA Padilla kaya ang dahilan kaya kulay pula at masaya na uli ang puso ngayon ni Zanjoe Marudo?

Ito kasi ang sinabi sa amin ng aktor nang makausap namin pagkatapos ng presscon ng My Dear Heart noong Huwebes ng gabi. At kaya namin nabanggit ang pangalan ni Bela ay nataon kasing hiwalay na ang aktres sa long time boyfriend nitong si Neil Arce.

Napansin namin habang magkatabi sina Zanjoe at Bela sa upuan ay madalas silang nag-uusap nang pasimple at may nagsabing super close na raw ang dalawa.

Anyway, nu’ng kumustahin si Zanjoe kung handa na siyang magkaroon ng girlfriend uli ay umoo ang binata. Bagama’t wala pa siyang dine-date ngayon, “Pero ini-entertain ko na ‘yung thought na may makilala, may magustuhan. Pumapasok na sa isip ko ngayon,” saad nito.

Aminado rin ang aktor na nami-miss na niyang may nag-aalaga sa kanya at may inaalagaang special someone.

Ano naman ang reaksyon ni Z sa relasyon ng ex-GF niyang si Bea Alonzo at Gerald Anderson? “Masaya ako para kay Bea kasi friends naman kami, gusto ko naman and vice-versa na lagi kaming masaya para sa isa’t isa. Pagkatapos namin, siyempre gusto ko rin na mas maganda ‘yung mangyari sa buhay niya at gayun din naman siya sa akin,” sabi ni Zanjoe.

At dahil close na nga ngayon sina Zanjoe at Bela ay posible bang magustuhan niya ang aktres? “Mga naging girlfriend ko naman before naging kaibigan ko muna at saka na lang ako nade-develop after.

Gusto ko rin kasi kilala ko muna ‘yung tao bago ko magustuhan. Hindi ‘yung nakita ko siya at sasabihin kong gusto ko at liligawan ko na. Kailangan muna may kuneksyon,” pag-amin ng aktor.

Samantala, tatay na naman ang papel ni Z sa My Dear Heart at ikatlong serye na niya ito na pareho ang role niya sa naunang dalawang teleserye ng ABS-CBN, ang Analiza kasama si Andrea Brillantes (2013) at Dream Dad with Jana Agoncillo (2014).

Kaya tinanong namin si Zanjoe kung anong mayroon siya at parati na lang tatay ang role niya, at kung ano ang pagkakaiba ng tatlong serye, “Pareho silang (tatlong bata) lahat mababait, pareho silang lahat na walang masamang tinapay, nag-iiba-iba lang ‘yung estado ng buhay, pero ‘yung core ng character, laging ganu’n, may busilak na puso.

“Yung parating ganu’n ang role ko, baka kasi mukha akong tatay talaga. Ha-hahaha! Siguro ‘yung chemistry ko sa bata, kahit hindi ko naman totoong anak, ‘yung magic na nabubuo ko with the kids na nakakatrabaho ko,” kuwento ni Zanjoe.

Mahilig naman talaga sa bata ang aktor at sa katunayan ay sa kanya tumira ang mga pamangkin niya bago nagsarili ang mga ito, “Before magkakasama kaming lahat sa bahay, pero ngayon hindi na may kanya-kanya na silang bahay dahil na rin sa mga work ng parents nila.”

Mapapanood na ang My Deart Heart sa Lunes, Enero 23 sa ABS-CBN at Skycable channel 167.
Makakasama rin sa seryeng ito ang bagong Kapamilya child star na si Nayomi Ramos, Ms. Coney Reyes, Robert Arevalo, Rio Locsin, Joey Marquez, Susan Africa, Eric Quizon, Loisa Andalio, Mark Oblea, Izzy Canillo, Jerry O’hara, Jameson Blake, Sandino Martin, Yñigo de Belen, Vic Robinson, Ria Atayde at Hyubs Azarcon mula sa direksyon nina Jerome Pobocan at Jojo Saguin handog pa rin ng Dreamscape Entertainment.

q q q

Speaking of Bela Padilla ay nakasabay namin siya sa elevator pababa ng ABS-CBN building pagkatapos ng My Dear Heart. May kausap siya sa cellphone at naririnig naming boses lalaki ang kausap niya sa kabilang linya.

Maraming tanong ang guy at narinig naming sagot ng aktres, “No, it didn’t. I never told them.” Hindi na masyadong nagsasalita ang dalaga pero salita pa rin nang salita ang kausap nito. Kung tama ang aming pagkakaintindi ay nagtatanong ang guy kung ano ang pinag-usapan sa presscon.

Parang may takot sa mukha si Bela ng mga sandaling iyon habang kausap ang nasa kabilang linya? Ang ex-boyfriend kaya niyang si Neil Arce ang nasa kabilang linya?
Sa presscon ng My Dear Heart inamin ni Bela na, “Honestly hindi pa nagsi-sink in sa akin (break-up).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Parang siguro hindi pa right now, dahil siguro busy ako sa trabaho. Nagte-taping ako, nagsu-shooting ako at nag-aaral ako kapag Linggo. So wala akong time para mag-isip. Baka after ng presscon mag-isip-isip ako.”

Sa huli ay nakiusap siya sa entertainment press na, “Guys, please be nice to him. Kahit ako na po ‘yung siraan niyo, kahit ako na lang po. Ayaw ko lang may mabasa pa siya or ma-feel bad tungkol dito.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending