Edgar Allan, Shaira Mae ‘huli’ sa sinehan   | Bandera

Edgar Allan, Shaira Mae ‘huli’ sa sinehan  

Reggee Bonoan - January 06, 2017 - 12:20 AM

EDGAR ALLAN GUZMAN AT SHAIRA MAE DELA CRUZ

EDGAR ALLAN GUZMAN AT SHAIRA MAE DELA CRUZ

CAUGHT in the act sina Edgar Allan Guzman at long time girlfriend nitong si Shaira Mae dela Cruz na nanood ng last full show ng “The Passengers” nina Chris Pratt at Jennifer Lawrence noong Miyerkules sa Robinson’s Magnolia Cinema 1.

Medyo maagang dumating sina Edgar Allan at Shaira Mae kaya nakunan pa namin silang nakapila para bumili ng babaunin sa sinehan.

Kaya namin ito sinulat ay tandang-tanda namin na noong huling makausap namin si EA, sinabi niyang wala na siyang girlfriend dahil career daw muna ang uunahin niya. Nadala na raw kasi siya sa mga nakaraang relasyon niya.

At dahil nabigyan siya ng tsansa sa ABS-CBN kaya pagbubutihin na raw niya ang trabaho at dedma na muna sa lovelife. Inisip namin na baka sinabi lang iyon ni Edgar Allan para hindi pag-usapan ang lovelife niya at balita rin namin na never naman silang naghiwalay ni Shaira Mae.

Kaya ang tanong namin, ano na ba ang bago sa career ngayon ni Edgar Allan bukod sa bilang na bilang na eksena niya sa Doble Kara?

Tanda namin, may pelikula sana sina Edgar Allan at Alex Gonzaga pero dahil wala namang maniniwalang loveteam sila, kaya hindi na raw ito itinuloy ng Star Cinema. Okay din sana ang loveteam nila ni Maxene Magalona sa Doble Kara na nabuo nga sa Your Face Sounds Familiar kung saan kinakiligan sila ng manonood. Naudlot naman ito dahil biglang nagsalita ang girlfriend ni EA na si Shaira Mae na nagagamit siya sa career ng boyfriend.

Wow, ang taray naman ni Shaira Mae, paano siya magagamit, e, da hu pa rin siya hanggang ngayon?

At balita rin namin ay may album siyang dapat ipo-promote, pero anong nangyari na? Kumusta na pala ang long time press release ni Edgar Allan na bibili siya ng bahay para sa pamilya niya? Natuloy na kaya?

Maraming taon na ang nasayang ni Edgar Allan lalo’t ang daming nagsusulputang bagong artista ngayon. O, baka naman kasi hindi nakikitaan ang aktor ng pagbabago sa pag-arte niya, dapat kasi nagle-level up din siya pag may time.

Mabuti na lang at magtatagal pa ang Doble Kara nina Julia Montes at Sam Milby dahil balita namin ay hindi pa handa ang ipapalit na programa rito at baka hindi rin kayang tapatan ang record nito sa ratings game.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending