Vice, Coco winasak ang sariling record sa history ng MMFF
AS of Dec. 29, 2016, P259 million pa lang ang kinikita ng walong entry sa Metro Manila Film Festival kaya naman malabo talagang maabot ang target na P1.5 billion ng executive committee ng taunang filmfest.
Hindi kasi isinama ang mga pelikulang may malalakas na hatak sa mga manonood, lalo na sa mga bata tulad ng “Enteng Kabisote 10” ni Vic Sotto at “Super Parental Guardians” nina Vice Ganda at Coco Martin.
Ayon sa Star Cinema, kumita na ang “SPG” ng P590.1 million kaya naman sobrang nagpapasalamat ang buong cast ng pelikula sa mga sumuporta sa kanila. Nalampasan na rin nito ang kinita ng “The Beauty And The Bestie” noong 2015 MMFF.
Ang paliwanag sa amin ng isang taga-MMFF tungkol dito, “Hindi naman iyon ang target (P1.5-B), democratization ng kita ang lalabas diyan. Sa halip na mapunta ang malaking bahagi ng kita sa iilang kumpanya lang, kumikita naman ngayon ang mas nakararami dahil maliit lang naman ang budget ng ibang produksyon. Sapat na para makagawa ulit ng makabuluhang pelikula, malabo naman talaga ang 1.5 billion.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.