Julia iyak nang iyak nang makita ang ama pagkatapos ng 21 taon | Bandera

Julia iyak nang iyak nang makita ang ama pagkatapos ng 21 taon

Reggee Bonoan - December 29, 2016 - 12:01 AM

julia montes

PUMUNTA ng Pilipinas ang biological father ni Julia Montes na si Martin Schnittka para makita nang personal ang anak na iniwan niya 21 years ago.

Yes bossing Ervin, nagkita ng personal sina Mr. Martin at si Julia o Mara Schnittka sa tunay na buhay noong Martes, Dis. 27 sa Cubao, Quezon City.

Humingi kami ng one-on-one interview kay Julia kahapon sa pamamagitan ng handler niyang si Mac Merla ng Cornerstone Talent Management, pero nakiusap ang aktres na pagkatapos na lang ng Bagong Taon dahil ipinasyal muna niya ang ama kasama ang asawa’t anak nito kahapon bago sila bumalik ng Germany ngayong araw na inihatid pa ng aktres.

Nag-text na lang kami ng mga gusto naming ipatanong kay Julia na agad namang sinagot ng dalaga. Ang sabi raw ni Julia kay Mac, “Buo na ako kasi after 21 years, may tatay na ako, may tatay na ako, ang guwapu-guwapo tapos tanggap ako ng pamilya.”

Sobrang na-appreciate ni Julia ang pagpunta rito ng ama na ilang oras bumiyahe para makita siya at makausap nang personal. Pagpapatuloy na kuwento sa amin ni Mac, “Matagal nang hinahanap talaga ni Julia ang dad niya, actually sumuko na nga siya kasi ang daming nagpapanggap noon.

“Tapos nu’ng November 1 nga, nagtataka siya, itong CocoJul (Nation) nag-message sa kanya at sinabing, ‘Hi Juls may nakilala kaming pinsan mo rito sa Germany at mukhang ito ‘yung hinahanap mo (link).’
“Binigay kay Julia ‘yung contact number sa Facebook, so chinat niya (ang pinsang nasa Germany).

Finally, nagko-connect lahat ng informations (tungkol sa dad niya). Kasi nu’ng una parang ayaw na ni Julia kasi napapagod na raw siya, tapos baka hindi na naman.

“Sabi raw nu’ng pinsan niya sa Germany, ‘Your daddy is here, he’s looking for you, etcetera, etcetera.’ Tapos si Julia, kinaibigan daw niya ‘yung pinsan niya hanggang sa pinakitaan siya ng picture ng daddy niya tapos itinag niya sa FB ‘yung picture tapos ipinakita niya sa nanay niya ‘yung picture kung ‘yun nga ang daddy niya.

“Deaf and Mute ang mommy ni Julia at nu’ng nakita raw nito ang litrato ng dad niya ay nagulat at tinanong kung paano nakuha. Kasi for the longest time, itinago ng mommy niya ang identity ng dad niya, hindi ipinakita ang itsura. Kaya nu’ng nakita ni Julia ang reaksyon ng mommy niya, alam na niyang ‘yun na nga ang daddy niya.

“Kaya tinuluy-tuloy na ni Julia ang pakikipag-chat sa pinsan niya sa Germany at sinabi nga na, ‘Finally I have a surprise for you, your dad is coming to the Philippines, he wants to meet you, he loves to see you.’

“Na-happy si Julia, pero at the back of her mind, baka hindi naman matuloy, malulungkot lang siya hanggang walang plane ticket at hotel booking hindi raw siya maniniwala. Tapos itong pinsan daw niya ay nag-drive hanggang sa City ng Germany kasi doon nakatira ang dad ni Julia, tapos kinausap nga ‘yung daddy niya na may contact na sila at kailangan na nilang magkita.

“Hanggang sa nagpa-book na kasama ang kapatid ni Julia sa daddy at ‘yung wife na gustung-gusto ring makita at makilala si Julia. Sa Novotel Hotel Cubao daw nag-check in, tapos si Julia hindi pa rin naniwala kaya pina-check niya sa kakilala niya kung may naka-check in na Martin Schnittka.

“Siyempre suspicious pa rin si Julia kasi di ba, hindi naman mawawala ‘yun baka ibang tao nga naman kasi celebrity siya baka alam mo na. Mayroon naman daw naka-check in, kaso nu’ng tawagan sa kuwarto hindi sumasagot kasi nga deaf and mute rin. Pareho sila ng mommy niya, at pati ‘yung asawa ngayon, deaf and mute rin. Pero silang mga anak, normal naman.

“Kaya nagpahanap si Julia ng restaurant sa Cubao na private at ‘yun nga, sa Bellinis, ‘yung pinag-syutingan nina John Lloyd (Cruz) at Bea (Alonzo) ng One More Chance, doon sila nagkita. Nu’ng nagkita, nagkayakapan, nu’ng una pigil pa raw ang emosyon ni Julia, finally nu’ng nagkukuwentuhan na, doon na raw umiyak nang umiyak si Julia.

“Ikinuwento raw lahat ni Julia ang nangyari sa kanya na bata pa siya ay siya na ang nagtatrabaho para sa pamilya niya, nag-artista siya para makatulong at para maipa-ayos ang bahay nila, mabigyan ng business ‘yung lola.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Doon na raw umiyak ‘yung tatay ni Julia at panay ang hingi ng sorry kasi dapat daw siya ‘yung may obligasyon no’n. Parang sinabi na, ‘Pasensya ka na at umabot ka sa ganyan na dapat ako ‘yan.’ Kaya nag-iiyakan silang mag-ama at sinabi nga ni Julia na okay lang,” kuwento pa sa amin ng handler ni Julia.

Bukas, ibabahagi namin ang iba pang ginawa ng mag-ama sa una nilang pagkikita matapos ang napakaraming taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending