(Movie Review) VINCE & KATH & JAMES: Pambagets, pampamilya
‘Pang-teenager but tackles real life issues’
ISA sa mga naging official entry sa 42nd Metro Manila Film Festival ngayong taon, ang Vince & Kath & James ay hinango mula sa hit romantic online series na ‘Vince & Kath’.
Umiikot ang teenage romance (with some comedy at drama) film sa love interest na si Kath (Julia Barreto) at magpinsan na sina Vince (Joshua Garcia) at James (Ronnie Alonte) na parehong may gusto sa masipag at mapagmahal sa pamilya na dalaga.
Bagamat nauna na dapat si Vince sa panliligaw (through text messaging) kay Kath ay bigla namang sumingit si James na nagresulta sa love triangle twist ng pelikula.
May mga nakatutuwa at nakatatawang eksena rin sa pelikula tulad na lang sa naging problema ng bagong tuli na bunsong kapatid ni Kath kung saan aksidente pa nitong na-text si Var (ang textmate name ni Vince) imbes na ang best friend na si Maxine (Maris Racal) para humingi ng tulong at ang pangungulit/pang-aasar ni Vince kay Kath tuwing magkikita sila sa loob at labas ng kanilang iskul.
May kilig moments din ang VKJ tulad nang naging movie date nina Vince at Kath matapos na hindi agad sumipot sa kanilang anniversary bilang magsyota si James na naging busy sa varsity team at nang mag-holding hands sina Vince at Kath matapos damayan ng una ang huli sa kanyang problema.
Maayos naman ang acting ng lead stars at supporting cast ng pelikula at may mga hugot lines ring mapupulot lalo na sa blogger na si Vince.
Bagamat mas pang-teenager/bagets na pelikula, pasok pa rin ito as a family movie dahil na rin sa pagtalakay nito sa ilang real life issues ng pamilya.
Overall ay maganda naman ang pagkakagawa ng Vince & Kath & James.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.