‘Mang Kepweng’ ni Vhong malakas na pasabog sa 2017 | Bandera

‘Mang Kepweng’ ni Vhong malakas na pasabog sa 2017

Cristy Fermin |December 27,2016
facebook
share this

‘Mang Kepweng’ ni Vhong malakas na pasabog sa 2017

Cristy Fermin - December 27, 2016 - 12:01 AM

vhong navarro at kim domingo

REREGALUHAN ng bakasyon ni Vhong Navarro ang kanyang sarili ngayong Kapaskuhan. Tatlong araw lang naman siyang mawawala, babalik din siya agad, dahil tuluy-tuloy na naman ang trabaho niya bilang host ng It’s Showtime at magiging mahalaga pa ang mga susunod na araw dahil sa January 4 na ang showing ng pinagbibidahan niyang pelikulang “Mang Kepweng Returns.”

Excited na kinakabahan ang magaling na dancer-actor-TV host, hindi nga naman simple para sa isang personalidad ang magbida sa isang malaking proyekto, karga niya ngayon ang ikatatagumpay ng pelikula ng Cineko Productions.

Pero positibo ang playdate na nakuha ng Cineko, wala silang kasabay na pelikulang Tagalog sa January 4, solong-solo nila ang mga kababayan nating gustong humalakhak sa pagpasok ng taong 2017.

Ipinagmamalaki ni Kuya Ramon Salvador ang husay ng pagdidirek ni Direk GB Sampedro, ngayon lang nito nakatrabaho ang guwapong direktor, pero puro papuri ang naririnig namin mula kay Kuya Ramon.

“Kung minsan, e, overrated lang ang ibang direktor, nakauna lang sila, pero hintayin n’yo ang husay ni Direk GB Sampedro. Magaling siya, kapado niya ang mga eksena, alagang-alaga rin niya ang post production,” sabi ni Kuya Ramon.

Ang “Mang Kepweng Returns” ang pambuwena-manong handog ng industriya sa January 4, magandang salubungin natin ang Bagong Taon sa pamamagitan ng positibong paraan, makipaghalakhakan tayo sa tropa ni Vhong Navarro sa mga sinehan.

Makakasama ng magaling na dancer-actor-TV host sa “Mang Kepweng Returns” sina James Blanco, Jaclyn Jose, Kim Domingo, Valeen Montenegro, Sunshine Cruz, Matet at Lotlot de Leon, Pen Medina, Juancho Trivino at marami pang ibang artistang nagpasaya sa nakakaaliw-nakakatakot na pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending