Starlet-tv host nagpabuntis sa dyowang foreigner ng kaibigan | Bandera

Starlet-tv host nagpabuntis sa dyowang foreigner ng kaibigan

Reggee Bonoan - December 14, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM WOMAN 0226

MAHILIG talagang gumawa ng ingay ang starlet cum TV host na kasalukuyang limang buwang buntis sa isang foreigner na boyfriend ng bestfriend niya.

Yes bossing Ervin, hindi alam ng bestfriend niyang Pinay din na ang tatay ng dinadala niya ay ang foreigner boyfriend nito kaya kapag tinatanong siya kung sino ang ama ng bata ay hindi niya masabi, ang laging palusot niya ay long time friend niya at nasa ibang bansa.

Gawain daw pala talaga ng starlet cum TV host na maki-close sa mga foreigner na nakikilala niya dahil sa mga kaibigan niya at inaalam ang background nito. At kapag nalaman niyang mayaman ang guy ay saka siya maglalandi at magpaparamdam na gusto na niyang lumagay sa tahimik.

Ang ipinagbubuntis ngayon ng starlet cum TV host ay ikalawa na, foreigner din ang tatay ng panganay niyang anak. Hiniwalayan siya ng lalaki dahil napansing pera lang ang kailangan niya.

Tinatakot daw ng starlet ang ama ng panganay niya para ibigay nito ang sustentong hinihingi, pero matalino ang ex-foreigner boyfriend dahil humingi siya ng payo sa abogado. Ending, sustentong buwan-buwan lang ang sinabi ng abogadong dapat ibigay sa bata at hospitalization in case magkasakit.

Balitang humingi raw ng bahay at lupa o malaking condo sa Makati City o The Fort ang TV host na dapat daw ay nakapangalan sa kanya, isang mamahaling kotse with driver at malaking halaga.

Natawa ang abogado sa starlet cum TV host dahil mukhang hindi naman daw para sa anak lang ang hinihinging sustento kundi para sa sarili niya.

Hindi raw obligasyon ng tatay ng bata ang ina nito kaya payo ng abogado sa starlet cum TV host ay magtrabaho siya para sa kanyang sarili at tigilan na ang party-party gabi-gabi.

Oo nga pala bossing Ervin kahit na limang buwang buntis na ang starlet cum TV host ay parati pa rin siyang nasa gimikan.

Going back sa sinasabi naming mahilig gumawa ng ingay ang girl na ito dahil kung anu-ano ang pinagsasabi niya sa mga kaibigan at pinagpo-post sa social media account niya na inaaway siya ngayon ng isang aktres dahil naiinggit daw sa kanya.

Tsinek namin ang lahat ng post at nag-imbestiga rin kami sa mga kaibigan ng starlet cum TV host, pero parang gawa-gawa lang niya ang mga isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending