Arjo Atayde sinapok ng senior citizen sa Cebu: Grabe, ang sakit ng likod ko! | Bandera

Arjo Atayde sinapok ng senior citizen sa Cebu: Grabe, ang sakit ng likod ko!

Reggee Bonoan - December 11, 2016 - 12:01 AM

ARJO  AT COCO MARTIN

ARJO AT COCO MARTIN

HULING eksena na ni Albert Martinez sa Ang Probinsyano noong Miyerkules ng gabi matapos siyang mapatay ni Cardo (Coco Martin) sa pamamagitan ng pagtulak dito sa nakausling bakal sa kulungan.

Nakita ito ng anak niyang si Joaquin (Arjo Atayde) kaya lalo itong nagpuyos sa galit kay Cardo at sumumpang ipaghihiganti niya ang pagkamatay ng ama.

Epektibo talaga ang pagiging kontrabida ni Arjo sa Ang Probinsyano dahil base sa mga naririnig at nababasa naming reaksiyon ng mga manonood, maraming nagagalit sa kanya sa serye.

Pero hindi raw nagagalit ang aktor sa mga nang-aaway sa kanya dahil positibong reaksyon iyon para sa kanya bilang kontrabida.

Nitong Linggo (Dec. 3) ay naimbitahan ang magkapatid na Arjo at Ria Atayde sa McDonalds Fun Run na ginanap sa Cebu IT Park. Habang nakatalikod daw ang aktor ay biglang may sumapok sa likod niya na talagang ininda niya ang sakit.

Pagharap ni Arjo ay isang matanda ang gumawa nito at sabay sabing, “Ang sama-sama mo Joaquin, grabe ang sama mo!” sabay hawak pa nang mahigpit sa braso niya na talagang pinanggigilan siya.

Natatawang ikinuwento ng aktor sa nanay niyang si Sylvia Sanchez ang insidente, “Ma, natawa ako nu’ng makita ko na senior na at sinabi nga na ang sama ko bilang si Joaquin. Naisip ko agad ‘yung role ko.

“Pero ang sakit talaga ng likod ko, siguro kung hindi senior ‘yung gumawa, baka kung anong ginawa ko kasi nagulat ako, sobrang lakas!” kuwento pa ng aktor.

Grabe, may mga manonood pa rin pala na nananakit ng artista dahil sa sobrang galit nila sa pagiging kontrabida ng mga ito. Naisip namin, ano nga kaya ang mangyayari kung hindi matanda o senior citizen ang gumawa noon kay Arjo? Gumanti kaya ang binata sakaling bata rin ang sumapok s kanya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending