Star Music binigyan ng YouTube Gold Play Button; umabot na sa 1-M ang subscribers | Bandera

Star Music binigyan ng YouTube Gold Play Button; umabot na sa 1-M ang subscribers

Ervin Santiago |December 11,2016
facebook
share this

Star Music binigyan ng YouTube Gold Play Button; umabot na sa 1-M ang subscribers

Ervin Santiago - December 11, 2016 - 12:20 AM

star music

SAMANTALA, nagsama-sama nga ang higit sa 30 pinakamalalaking artists ng Star Music upang markahan ang pagtala ng YouTube channel nito ng isang milyong subscribers. Ito ang ikapitong YouTube channel sa bansa na nagkaroon ng isang milyong subscribers sa naturang video-sharing service.

Tampok sa 2016 version ng “Salamat” sina Yeng, Janella Salvador, Ylona Garcia, Bailey May, Angeline Quinto, Erik Santos, Kaye Cal, Marion Aunor, Daryl Ong, Bugoy Drilon, Liezel Garcia, Jovit Baldivino, Sue Ramirez, Inigo Pascual, Michael Pangilinan, Jed Madela, Morissette Amon, Klarisse De Guzman, Jamie Rivera, Jolina Magdangal-Escueta, Juris, Vina Morales, Jona, Migz & Maya, Gloc 9, KZ, Piolo Pascual, Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee, Tim Pavino, Alex Gonzaga, Enrique Gil, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla and Vice Ganda, na sama-samang magbibigay ng bagong tunog sa 2007 hit ng pop rock princess.

Nagsimula na itong mapakinggan sa MOR 101.9, Myx, OneMusic.PH, Spotify at iTunes.

Kamakailan nga ay iginawad sa Star Music ang YouTube Gold Play Button, isang framed limited-edition gold-plated play button na ibinibigay ng YouTube sa channels na nakakuha ng isang milyong subscribers. Ang Star Music din ang kauna-unahang record company na umabot ng isang milyong subscribers sa bansa, at pangatlo sa YouTube channels na pagmamay-ari ng ABS-CBN.

Ayon din sa Star Music, bukod sa Pilipinas, ang Saudi Arabia, UAE, United States, Kuwait, at Canada, ang nangungunang mga bansa nanonood ng videos nito.

Libre mang napapanood ang videos sa YouTube, pero dahil sa advertisements, kumikita ang producers, record companies, at composers. Ayon kay Roxy Liquigan, head ng Star Music, malaki ang naitutulong ng YouTube sa industriya ng musika sa paglaban sa piracy.

“Dahil sa YouTube, may lehitimong pinagkukuhaan ng libreng musika ang fans na isang malaking tulong sa music industry.

“Hindi lang kami tinutulungan nitong kumita, binibigyan din kami ng YouTube ng pagkakataong makipagtapatan sa ibang music producers sa buong mundo,” saad pa ni Roxy Liquigan sa nasabing presscon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending