Julia kay Dennis: Tatay ko pa rin siya at gusto kong maging proud siya sa akin!
SA nakaraang presscon ng “Vince & Kath & James” ay inamin ng tatlong bidang sina Joshua Garcia, Julia Barretto at Ronnie Alonte na magkakasama sila sa Dec. 25 dahil maglilibot daw sila sa mga sinehan para sa pagsisimula ng MMFF 2016.
Sabi ni Julia, “Kasama namin ang pamilya namin, ako lalo na ang mommy (Marjorie Barretto) ko na sobrang proud. Siya ang magsi-cinema tour,” tumawang sabi ng aktres.
Feeling ng ilang followers ni Julia ay may “something” na raw sina Julia at Joshua kaya tinanong ang dalaga kung nanliligaw ba ang binata at kung sakali ay may pag-asa ba ito?
Pero nagulat kami dahil pabulong na sabi ni Joshua, “Huwag mo nang sagutin ‘yan, ano ka ba, ang daming camera!”
Napatingin tuloy ang aktres sa kanya, “I think time will tell naman, eh. Ang hirap kasing sagutin ‘yan, lalo’t you’re not in that situation yet. I don’t know, iba-ibang priorities naming tatlo as we speak, pero love will come, it will come but we don’t know when.”
Hindi pa ba sila? “Ako pa, honest kaming lahat, kaming tatlo dito, honest kami,” say ng dalaga.
Maraming pumupuri sa acting ni Joshua at siya raw ang pwedeng sumunod sa yapak ni John Lloyd Cruz dahil malaki nga ang pagkakahawig nila. Kaya tanong sa kanya kung may conscious effort ba na maging katulad siya ni JLC.
“Hindi naman po, natural ko po ‘yun,” nahihiyang sabi ng binatilyo habang nakatingin kay Julia.
“May hiya siya,” salo ng batang aktres. “I think it’s natural in him, it’s his appeal talaga, may ganu’n talaga na tao. Hayan, nahihiya, ayaw niyang manggaling sa kanya, humble ‘yan, eh.”
“Nasalo mo ako ro’n, ah?” natawang sabi ng gwapo at magaling na aktor.
“Ha-hahahaha! Naisip mo pa ‘yun? Nahabol mo pa ‘yun?” mabilis na tanong ng dalaga.
At dahil sobrang conscious si Joshua kaya tinanong namin kung nagpapa-cute siya kay Julia, “Hindi naman po. Hindi, joke lang,” sagot sa amin.
“Parati, hindi naman kailangan, oo parating nagpapa-cute,” pambubuking ni Julia. Lalo tuloy nahiya at namula si Joshua.
q q q
Samantala, tinanong din namin si Julia kung nakailang ka-loveteam na siya na pawang nawawala at napupunta sa iba ano kaya ang problema.
“I think kailangan para mag-work ang love team is dapat willing ‘yung dalawa na mag-work out. A loveteam is really all about teamwork, dedication and loyalty sa isa’t isa. Kasi siyempre, it’s normal in the industry na ma-link tayo sa katrabaho natin, pero if we gonna stay loyal do’n sa magiging desisyon ng management na maging ka-loveteam natin, it will really work out.
“Kasi gusto ng mga Pinoy ang loyalty and if they see it with us, ‘yun na ‘yung happiness nila at nai-enjoy nila at kailangan naming maibigay ‘yun,” paliwanag ni Julia.
Balik-tanong namin kung hindi ba naging loyal ‘yung mga naunang ka-loveteam niya kaya hindi nag-workout, “Hindi naman sa ganu’n, ano ‘yun, it’s destiny. Baka I’m not destined to be theirs (loveteam), baka iba naman ‘yung plan ng Diyos sa akin,” katwiran sa amin.
Sabi naman ni Ronnie bilang bagong ka-loveteam ni Julia, “Siguro ako, magpo-focus ako kay Julia kasi siya ang katrabaho ko sa serye (A Love To Last) kaya sa kanya ako magpo-focus. Kailangan kong ilapit ang loob ko sa kanya para mag-work ang chemistry namin talaga, ‘yun ang gagawin ko talaga.”
Samantala, okay na raw ang relasyon ni Julia sa amang si Dennis Padilla, “Everything is so much better than it was before, maybe steps talaga ‘yun and he’s still my father at the end of the day,” paliwanag ng aktres.
“Sadyang hindi ko sinabi itong project kasi gusto ko siyang i-surprise, tapos kapag napanood na niya, saka niya ako bigyan ng comments. I want to make my mom and dad proud because this is my first film and role na ganito.
“Wala silang alam, even my mom, wala siyang ideya kung ano ang karakter ko dito o ano ‘yung story, kaya she’s excited to watch, she’s curious,” sabi ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.