Vice: Naniniwala ako, lahat ng ginawa kong pelikula, quality! | Bandera

Vice: Naniniwala ako, lahat ng ginawa kong pelikula, quality!

Reggee Bonoan - November 25, 2016 - 12:30 AM

COCO MARTIN AT VICE GANDA

COCO MARTIN AT VICE GANDA

INUNAHAN na ng Star Cinema ang magaganap na 2016 Metro Manila Film Festival sa Dec. 25 dahil ipalalabas agad-agad ang “The Super Parental Guardians” sa direksyon ni Binibining Joyce Bernal.

Dahil laglag ang “SPG” movie nina Vice Ganda at Coco Martin sa MMFF ay hiningan ng reaksyon ang Unkabogable Phenomenal Star kung ano ang pakiramdam niya na hindi sila napili sa magic 8.

“Honestly, na-sad kasi ang intension namin ay sumali sa filmfest, pero ready kasi kami, ‘yung kami (cast) at Star Cinema, ready kami kung anong gagawin namin kung hindi masasali sa filmfest. Kaya hin-di kami nataranta,” sabi ng TV host-comedian.

Pero pag-uwi raw ng Showtime host sa bahay ay naiyak siya nang mabasa ang reaksyon ng mga tao sa pagkakalaglag ng pelikula nila ni Coco sa taunang filmfest.

“Nagre-react ang mga tao at hinahanap nila ‘yung pelikula namin ni Coco this year, sobra akong na-overwhelm kaya naiyak ako. Iyak ako ng iyak kasi nagkaroon ako ng realization na may maganda na pala akong naiambag sa mga buhay ng mga tao tuwing pasko ngsyon na hinahanap nila ako ngayong Pasko at Bagong Taon.

“Na naging bahagi na pala nila ako at gusto nila ngayong Pasko, bahagi pa rin kami. Ang sarap na I was able to do something right, I was able to do serve my purpose kasi iyon ‘yung purpose ko, e, magpasaya at magpatawa ng tao, magpangiti, magpahagikgik, magpagaan ng pakiramdam at iyon ang naramdaman nila sa mga huli naming pelikula.

“I was just so happy. Itong pangyayaring ito na mas napaaga ang pagpapakita ng pelikula, it’s a big blessing,” kuwento ni Vice.

Ano naman ang reaksiyon niya sa naging statement ng MMFF screening committee na puro quality films ang pinili ngayong taon kaya nalaglaga ang entry sana nila ni Coco, kung saan kasama rin nila ang mga Kapamilya chid stars na sina Simon “Onyok” Pineda at McNeal “Awra” Briguela ng FPJ’s Ang Probinsyano.

“You know, after reading the tweets, I did not feel offended at all. And the word quality is kasi subjective. What is quality to you might not be quality to me. Kaya hindi tayo pwede magtalo-talo na ito ang quality,” paliwanag ni Vice.

Dagdag pa ng TV host, “Basta ako, naniniwala ako, when you give the people what they want to have and what they want to feel after watching the movie. Yung paglabas nila ng sinehan, nakuha ng tao ang gusto niyang makuha pagkatapos ng pelikula na yun. Yun ang quality.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At nararamdaman ko, all my movies were all quality dahil ang mga gustong maramdaman ng mga tao ay nakuha nila,” dagdag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending