Paulo super iwas sa bagong lovelife: Wag na po nating idamay, kawawa naman ‘yung tao! | Bandera

Paulo super iwas sa bagong lovelife: Wag na po nating idamay, kawawa naman ‘yung tao!

Reggee Bonoan - November 05, 2016 - 12:10 AM

paulo avelino at natasha

HINABOL namin si Paulo Avelino pagkatapos ng presscon ng latest movie ng Star Cinema na “The Unmarried Wife” bago pumasok sa isang kuwarto ng ELJ Building sa ABS-CBN.

Diretso ang tanong sa aktor kung sino si Natasha Villaroman sa buhay niya ngayon. Pakiusap ni Paulo sa ilang members ng press na nag-interbyu sa kanya, “Huwag na nating idamay, kawawa naman ‘yung tao dahil wala siya sa industriya natin, alam mo ‘yun, baka maapektuhan pati pamilya niya.”

Sa tanong kung sila na ni Natasha, “I’m dating, I’m currently…(nag-isip), yeah, I’m dating,” sagot ng aktor.

Si Natasha ba ang dine-date niya? “I won’t give any specific answer. Ha-hahaha!”

Ibig sabihin, in love na uli siya? “In love ako sa mga motor ko ngayon at sa trabaho. It’s nice to see people also na make you realize na malaki ang mundo!”

Kailan nga ba huling nakipag-date si Paulo? “Hindi ko na maalala, pero, dumating ‘yung motor ko, mga May,” paiwas na sagot ng aktor.

Tanong namin kung ‘motor’ ba ang tawag ni Paulo sa special girl niya, “Hindi may motor talaga ako, literal na motor!” natawang sabi nito.

Ayaw nang magbigay ng ibang detalye si Paulo tungkol kay Natasha Villaroman, “Hindi ko nga alam kung mangyayari pa sa buhay ko ngayon, pero, alam n’yo ‘yun, ayoko lang pangunahan yung mga haka-haka o mga lumalabas na isyu.

“Siyempre, gusto rin nating lahat ng tahimik na buhay pero ayoko lang na may mga nadadamay at may naaapektuhan, baka maapektuhan sa hindi magandang paraan,” diin pa ng aktor.

Gusto ni Paulo ng privacy pagdating sa lovelife niya, pero kalat naman sa Instagram account ni @becci_dgreat mula sa Hamburg, Germany, ang mga litrato nilang dalawa ni Natasha. Ang isang litrato nga nila ay nilagyan pa ng aktor ng caption na: “becci_dgreat no caption needed.! (what you see is what you get.) #PauloAvelino#NatashaVillaroman.

Bukod dito, may isa pang photo na tila kuha sa isang birthday party kamakailan dahil may cake na hawak sina Natasha at Paulo na may caption na, “Meet the family of Natasha. #GoodVibes lang po! Thank you!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending