Angeline ayaw mag-bra; umaming nagpa-lipo ng tiyan at likuran | Bandera

Angeline ayaw mag-bra; umaming nagpa-lipo ng tiyan at likuran

Reggee Bonoan - November 03, 2016 - 12:25 AM

angeline quinto

SA nakaraang presscon ng upcoming concert na “Divas Live In Manila” ay napansin naming walang suot na bra si Angeline Quinto kaya ang tanong namin sa kanya, ano bang gusto mong i-project?

“Ate Reggs, mas lumalaki kasi ang boobs ko kapag naka-bra ako at saka babakat dito (sabay turo sa likod),” katwiran niya sa amin.

Isa pang napansin namin ay wala nang suot na foam sa butt si Angeline para magmukhang malaki ito. “Ha-hahaha! ‘Yung foam? Wala na, ikaw talaga!” natawang sagot niya sa amin.

Kinulit namin siya kung bakit hindi na siya naglalagay ng foam sa likuran at kung nagpalagay siya ng silicon tulad ng ibang artista na nagpagawa ng puwet para tumambok, “Ay, hindi ‘te Reggs, delikado ‘yun, hindi lang kasi ang nangyayari, parang sumisikip ‘yung damit.

“Kaya nawala na kasi di ba nagpa-lipo ako sa likod, nagpa-lipo ako sa tiyan, ang taba ko napunta lahat sa puwet,” esplika ng dalagang singer.

“Kasi nga po once na nagpa-lipo ka like sa arms, hindi na siya pupuntahan ng taba, ‘yung mga taba mo, lilipat sa ibang parte ng katawan mo, kaya ako, napunta lahat sa puwet,” paliwanag ng biriterang singer.

Kasama rin ni Angeline ang lola Bob niya sa presscon ng upcoming concert niya with Yeng Constantino, KZ Tandingan and Kyla. Si lola Bob ang nagpalaki kay Angge at sumusuporta lagi sa kanyang mga ginagawa.

Sabi ni Angeline nalulungkot na ang mama Bob niya kapag iniiwan sa bahay kaya isinama niya sa “Divas Live In Manila” presscon.

“Ate Reggs, si mama Bob, nalulungkot kapag naiiwan na sa bahay kaya kapag may mga lakad akong hindi masyadong hirap o nakakapagod, isinasama ko na siya.

“Pero ‘yung sa ibang bansa, hindi ko siya isinama, ‘yung shows namin ni Erik (Santos) na ‘King And Queen Of Hearts’ tour grabe pagod namin doon kasi 8 shows po kami lahat kaya nangako ako kay mama Bob kapag nagkaroon ako ng bakasyon, kami naman ang aalis. Inabot po kami ng 1 month and 5 days,” kuwento ni Angge.

Anyway, curious ang lahat kung bakit “Divas” dahil ito rin ang tawag sa mga sikat na singers sa ibang bansa. Ang producer ng show ang sumagot na si Erickson Raymundo, “Wala namang nagma-may-ari ng divas, eh, so iyon lang ‘yung naisip namin. Kasi naman nasa top silang lahat kaya sila ang divas sa henerasyon nila ngayon.”

Billing conscious ba si Angge kasi si Yeng ang may “and” sa promo materials nila, “Alam mo ate Reggs, siguro, ‘yung billing na ‘yan, sa lahat na lang nagiging isyu lalo na sa fans.

“Pero sa amin naman, hindi ‘yan big deal, eh, siguro para sa ibang tao, big deal sa kanila ‘yan, pero ako naman as long as kasama ako sa concert na ito, hindi na kao magrereklamo, di ba?

“Hindi po isyu sa akin kung ako ang unahin nila, o ilagay sa gitna or ako ‘yung last. Lahat kami ay may kanya-kanyang journey na tinahak para marating ito.

“So kung sinuman po ‘yung pinakasikat, pinakamaraming songs na napasikat, okay lang. Itong ‘Divas Live In Manila’, mas magtutulungan nga kami para maging strong ito,” katwiran ng dalaga.
q q q

Samantala, may kanya-kanyang galing at istilo sa pagkanta sina Angeline, Kyla, KZ at Yeng kaya ano ang gagawin ni Angee para mapansin siya bukod sa bibirit siya hanggang sa tuktok ng Araneta Coliseum.

“Siyempre bawa’t isa sa amin, mas doon kami magpo-focus sa strength namin, siguro kung ano ‘yung weakness ko pagdating sa music, siguro tutulungan ako nu’ng tatlo. Ang weakness ko po, hindi ako kumportable ng may sayaw-sayaw kasi balladeer ako, eh.

“Siguro po, magsusuot ako ng sexy outfit kasi maraming nakaka-appreciare kapag ganu’n ang suot ko,” sabi ng dalaga.

So, parang mga gown ni Regine Velasquez ang mga isusuot niya sa concert – plunging neckline na halos luwa na ang boobs at backless na halos kita na ang butt? Ganern?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Divas Live In Manila” ay produced ng Cornerstone Concerts and Star Events with musical direktor Ria Villena Osorio at sa stage direction ni Paul Basinillo with special guests K Brosas, Jaya and Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Sa mga gustong bumili ng tickets, tumawag sa 911-5555 o mag-log on sa www.ticketnet.com.ph. Ang mga sponsor ng concert ay ang Belo Medical Group, Silka at AOR Studios; minor sponsors ang Converse, Parisian Shoes & Bags, Felicidad Mansion at Taverna Catering. Media partners naman ang ASAP, MYX, MOR 101.9 For Life, Magic 89.9, Inquirer. Net at Onemusicph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending