Iba’t iba ang uri ng escort, pero never pa akong pumatol!- Derek
THANKFUL at very proud ang Regal producers na sina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo sa pelikula nilang “The Escort” dahil inaprubahan itong ipalabas ng MTRCB ng walang putol at binigyan ng PG-13 na rating.
Ibig sabihin, mapapanood nang buong-buo ang matitinding love scenes nina Derek Ramsay at Lovi Poe sa movie, bukod pa sa mga maiinit na eksena nina Lovi at Christopher de Leon at ng sex scene nina Derek at Jean Garcia.
Sabi ni Mother Lily, “Sobrang nagandahan sila (MTRCB) sa movie kaya walang putul-putol. Ang ganda talaga, you have to watch it.”
At siyempre, natuwa ang direktor ng pelikulang na si Enzo Williams at ang lead actor na si Derek at nagpapasalamat nga siya dahil napasama siya at nakatrabaho sina Lovi at Christopher.
Binigyan ng solo presscon nina Mother Lily at Ms. Roselle si Derek noong Miyerkules kung saan natanong ang aktor kung paano naman niya nalalaman kung escort na disente o companionship lang o escort na pang-all the way ang trabaho ng isang babae base sa karakter niya sa pelikula. O puwede mag-take advantage ang aktor base sa trabaho ng escort.
“First she has to be physically stunning beautiful o attractive, and the same time which I think is her fashion sense, if she is sobrang branded.
“Di ba there are people na sobrang branded as far as point of view, she might be materialistic, and you’ll find that out when you engage a conversation with her, so my character dito, hindi pinakita sa trailer na may mga nagsabi nga na, ‘yan pabayad ‘yan.’ And the funny thing, I thought Lovi was one of the girls.
“So ako, I’m used to be to get the girl that I want, to manipulate them and turn limit of my women whether for myself or for my company as per business, I thought I spotted Lovi as one of them, but I was wrong. She was exactly opposite, that’s why maybe I fall in love with her,” kuwento ni Derek.
Samantala, inamin ni Derek na sa lahat ng sexy movies na nagawa niya simula nu’ng mag-umpisa siya sa showbiz ay dito sa “The Escort” siya sobrang nag-enjoy.
“Most enjoyable love scenes I’ve done in my career kasi bago namin gawin (ni Lovi), talagang pinag-usapan namin kaya realistic ‘yung love scene namin and Lovi was professional enough to the point na payag siyang magpatanggal ng bra, I told her I’ll protect her all the time na ididikit ko siya sa dibdib ko para hindi siya mabosohan, and it came very, very nice.
“And hindi nga matutuloy ‘yung lovemaking namin kasi virgin nga si Lovi, so it was very different to do a love scene na we didn’t make love, ano lang siguro very attractive to each other kaya nagkaroon ng torrid kissing, hubaran ng damit tapos pag nandoon na, bigla niya akong pipigilan,” kuwento ni Derek.
May kakilala ba si Derek na escort o nakaranas na siyang mag-hire? “I never hired an escort but I’ve seen in a party that I attended, may mga kaibigan akong nagsasabi na, ‘yan escort ‘yan, all the way ‘yan, ‘yan for show lang ‘yan.’ At yan ang ipapakita namin sa movie, na hindi lahat ng escort, sex lang or you’re there for companionship, somebody to talk to. May different levels and escorts,” ani Derek.
Ipinagdiinan din ng aktor na magkaiba ang ibig sabihin ng escort at prostitute.
“I don’t want to say na being an escort is prostitution, it’s not although the word ‘escort’ is iisiping, ah barayan ‘yan per se but that’s not the case. I’m not sure in the US (United States), in the UK (United Kingdom), I heard them call escort, so I’m not sure to what else they would call them but escorts and prostitutions are currently two different thing,” saad ni Derek.
Nagkaroon naman ng dalawang advanced screening ang “The Escort” kamakalawa sa Trinoma at SM Megamall dahil marami raw gustong manood nito at makita nang personal sina Derek, Lovi at Boyet.
Sa Nob. 2 naman mapapanood ang “The Escort” sa mga sinehan nationwide mula sa Regal Entertainment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.