Negosyong magpapayaman sa pamilya (2) | Bandera

Negosyong magpapayaman sa pamilya (2)

Joseph Greenfield |October 27,2016
facebook
share this

Negosyong magpapayaman sa pamilya (2)

Joseph Greenfield - October 27, 2016 - 02:08 PM

Sulat mula kay Gina ng Luna, Claveria, Misamis Oriental
Problema:
1. Kadadating lang po ng mister ko nitong nakaraang September at may uwi po siyang kaunting pera. Kaya balak sana naming magnegosyo, para hindi mapunta saw ala ang pinaghirapan nya sa ibang bansa.
2. Ang itatanong ko lang po sana Sir Greenfield ay kung anong negosyo po ba ang mairere-komenda ninyo malaiit lang ang puhunan, pero magbibigay sa amin ng swuerte pata umunlad naman ang aming pamilya at pata hindi na uli muling mawalay sa amin ang mister ko dahil pag nag-click ang negosyo naming sabi nya ay hindi na siya mag-aaboad? December 14, 1979 po ang birthday ko at October 5, 1979 naman ang mister ko.
Umaasa,
Gina ng Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) at Libra naman ang mister mo ang nagsasabing suwerte kayong mag-asawa sa negosyong niluluto at ginagamitan ng apoy. Ibig sabihin ang patok na negosyo para sa inyong mag-asawa lalo na’t iisiping papalapit na ang pasko ay ang mga negosyong may kaugnayan sa pagkain o kaya’y sa grocery.
Numerology:
Ang birth date mong 14 at 5 naman si mister ay nagsasabing hindi kayo yayaman sa pamamasukan, pero sa tuloy-tuloy na pag-nenegosyo, lalo na’t kayong dalawa ang mister mo ang tatao o mamamahala, tiyak ang magaganap – ang nasabing mga negosyong binanggit na sa itaas ang magpapayaman sa inyong pamilya.
Luscher Color Test:
Sa pagnenegosyo siguraduhin lamang na gumamit ng kulay na pula at pink, dahil ang nasabing kulay ang lalo pang magbibigay sa inyong ng suwerte at magandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Gina walang kuwentang yumaman kung yayaman ka nga pero matanda ka na, isipin pang aanin ang maluho at mayamang pamumuhay, kung mahina ka na at marami ng iniinda sa katawan? Sa makatuwid makatuwiran lamang na ngayon pa lang simulant nyo ng mag-asawa na mag-payaman, upang paglipas ng apat o kaya’y limang taon pa, sa edad nyong 41 pataas, ibig sabihin ay malakas na malakas pa kayo sa panahong iyon, mai-enjoy nyo pa ang maunlad at masaganang pamumuhay, nangyari, dahil tulad ng nasbai na, mentras bata pa ang edad nyo sa kasalukuyan ay nagnegosyo na kayo, pagdating ng pagtanda, makikita mo tulad ng nasabi na, magpapasarap na lang kayo sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending