Horoscope, October 26, 2016 | Bandera

Horoscope, October 26, 2016

Madam Sophia |October 25,2016
facebook
share this

Horoscope, October 26, 2016

Madam Sophia - October 25, 2016 - 02:36 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Habang lumalapit ang kapaskuhan, higit sa inaasahan ang makakamit! Biglang madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, sopresa ang magaganap, may napakasarap na romansang mararanasan. Mapalad ang 1, 10, 22, 34, 46, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhama-Aum-Yoti.” Yellow at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Wag biglain ang anomang desisyon! May babala na sa sobrang pagmamadali mawawalan ka na naman ng malaking halaga. Sa pinansyal “slowly but surely.” ang dapat. Sa pag-ibig, tuloy ang pakikipagrelasyon sa kasuyong Sagittarius. Mapalad 3, 6, 18, 27, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om-Karan” Blue at beige ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Upang umasenso at yumaman, tapusing mabilis ang anomang nasimulan. Sa pag-ibig, wag hawahan ang kasuyo ng katamaran, ipakita sa kanya na masipag ka at masikap sa buhay upang mas madali kayong umunlad. Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Om.” Red at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Lagi maglagay ng old coins sa bulsa. Ang pampasuwerteng iyan, ang hahatak ng maraming-maraming pera. Sa pag-ibig, kung reregaluhan ka ng kayuso ng silver na alahas, mas lalo kang susuwertehin. Mapalad ang 5, 8, 23, 29, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghoh-Phalah-Goh.” Blue at silver ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Sa malayong lugar, malaking halaga ng salapi ang kikitain! Tama ang mungkahi ng kasuyo, posible nga kayong makapag-abroad na dalawa at kapag sinusuwerte sa ibang bansa maisasama pa ang buong pamilya. Mapalad ang 9, 14, 27, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yosoda-Om.” Green at magenta ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Wag magpatangay sa magastos na pagdiriwang ng Halloween at Holiday Season. Tipid-tipid pa rin ang kailangan para sa kinabukasan ng pamilya. Tandaaang ang simpleng buhay at hindi gaanong marangya ang mas masaya. Malad ang 6, 18, 27, 37, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Purple at maroon ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Ngayong pa lang paghandaan na ang kapaskuhan, simulan ang paglilinis ng bahay at bakuran. Isupot at ibenta ang mga abubot na matagal ng nakaimbak. Sa aliwalas at malinis na kapaligiran, lalong susuwertehin at liligaya ang buhay. Mapalad ang 2, 7, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.” Green at pink ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Upang wag agad maubos ang pera iwasang bumili ng mga bagay na walang kabuluhan at paglipas ng mga araw ay nagiging kalat lang. Sa pag-ibig, ng wag pakialaman ang kasuyo magsasawa rin yan sa mali niyang ginagawa. Mapalad ang 3, 18, 27, 30, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Blue at lilac ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Kung marami kang biyaya na natatanggap, magpasalamat ka. Maya-maya lang may darating na namang suwerte! Sa pag-ibig, habang nag-aamoy simoy kapaskuhan na ang kapaligiran patuloy sa pag-init ang pakikipagrelasyon sa kasuyong Cancer. Mapalad ang 2, 16, 25, 29, 37 at 49., Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Aum.” Green at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Malapit mo ng malusutan ang kasalukuyang problema. Sa pinansyal, sa susunod na buwan, unti-unti na uling dadami ang pera. Sa pag-ibig, unawain ang kasuyong sumpungin kaysa mag-away na naman kayo. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 28 at 35. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at beige ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi ka na nadala? Bakit nakipag-diskusyon ka na naman sa mga taong makikitid ang utak? Wala kang mapapala sa kanila! Sa pag-ibig at pinansyal, ito ang tamang panahon upang lubos na bigyang pansin ang mga gawaing may kaugnayan sa pagkakaperahan. Mapalad ang 1, 8, 22, 31, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Rama-Om.” Blue at white ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi uubra ang bait-baitan, ang pagiging mabait ay hindi nagpapayaman. Sa pag-ibig, isang tao lang ang dapat mong pakitaan ng tunay na kabaitan – ang kasuyong Gemini. Mapalad ang 4, 7, 16, 25, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Dhosya-Om.” Black at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Wag mag-aksaya ng oras at panahon. Kumilos ng kumilos hanggang sa lumago ng lumago ang iyong kinikita. Sa pag-ibig, wag manghinayang kung nawala man ang minamahal, may darating na isang Virgo na siyang magpapaligaya sa iyo at pang habang buhay mo ng makakasama. Mapalad ang 2, 16, 24, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Red at violet ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending